12 - America

2.6K 65 1
                                        

Isang linggo na ang lumipas at hindi na ngang nagparamdam sa akin si Tucker. Ginawa nga talaga niya ang sinabi niya sa akin noon na hindi na siya magpaparamdam pang muli sa akin simula noong huling pagkikita naming dalawa.

Mamayang gabi na ang flight ko papuntang US pero bago ang lahat ay nag-kita kita na muna kami magkakaibigan. Kahapon ang uwi nila Danica galing honeymoon pero noong nalaman nilang babalik ako sa US ay nag-plano na mag-kita kita. Akala mo pa naman tatagal ako sa US.

"Ano may bunga na agad?" Tanong ni Kim kay Danica. Gets ko agad ang ibig niyang sabihin.

Napailing natatawa ako sa tanong. "Baliw ka talaga, Kim. Para naman hindi ka graduate ng nursing. Hindi naman agad-agad mararamdaman ni Nica kung may bunga na nga ba. Isang linggo pa lang silang kasal ni Chris."

"Ang bagal mo naman, Chris. Baog ka ba?"

"Siraulo 'to. Kung hindi ka lang babae, Kim ay kanina pa kita sinapok diyan. Hindi ako baog." Inis na sambit ni Christian.

"Pagpasensyahan mo na si Kim, Chris. Excited na magkaroon ng inaanak sa atin. Ang kauna-unahang inaanak niya." Sabi ni Danica at binaling ang tingin kay Kim. "Hindi naman kami nagmamadali ni Chris magkaroon ng anak. At saka busy pa kami sa trabaho namin."

"Bibigyan na lang kita ng anak." Pang-aasar ni Henry kay Kim.

"Eww... Kung ikaw ang magiging ama ng anak ko. No thank you. Baka maging panget pa ang anak ko."

"Panget ka pala, pare." Natatawang sambit ni Chad na kinatawa rin naming lahat dahil sa reaksyon ni Henry.

"Mga siraulo. Hindi ako panget."

"Maiba tayo, bakit hindi sumipot si Tucker ngayon, Lee?" Tanong ni Kim sa akin.

"Bakit si Lee ang tinatanong mo?" Tanong ni Christian sa kanya.

"Nitong mga nakaraang araw kasi silang dalawa ang madalas na mag-kasama. Baka alam ni Lee ang dahilan kung bakit wala si Tucker ngayon."

"Totoo ba yun, Lee?" Tanong ni Danica sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Araw-araw kasi niya ako kinukulit noon. Gusto kasi ni Tucker na magkaayos kaming dalawa pero ayaw ko. Hindi ko na kasi kayang patawarin pang muli si Tucker. Tapos last week sinabi niya sa akin na titigil na siya sa pangungulit sa akin. Ang akala ko nga nagbibiro lang siya pero ginawa niya talaga. Isang linggo na siya walang paramdam."

"Yeah, nabanggit nga niya sa akin noon na balak niyang kausapin ka para maayos ang away niyong dalawa bago malaman ng pamilya mo ang nangyari sa inyo." Sabi ni Christian.

"Alam mo, hon?"

Tumango si Christian kay Danica. "Hindi ko inaasahan na magkikita kaming dalawa sa condo kaya nga binigyan ko rin siya ng suntok noon sa pisngi."

Naalala ko yung mga panahon na may pasa nga sa mukha ni Tucker. Si Christian pala ang may dahilan noon pero ang sabi ni Tucker kay tito Ian ay tumama daw siya sa pader.

Nagkakatuwaan kaming lahat. Miss ko na ang mga katuwaan naming lahat gaya nito. Simulang tumira ako sa US ay hindi na ako bumalik pa ng Pilipinas. Ngayon lang ulit. Nag-paalam na ako sa kanila dahil kailangan ko pa mag-ayos ng mga gamit ko.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay ay nakasalubong ko si kuya Anton. Bihis na bihis. Mukhang may date.

"May bisita ka pala, Rye." Sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

Nag-kibit balikat si kuya Anton sa akin. "Pumasok ka na lang sa loob para alamin mo kung sino. Alis na ako."

Sumimangot ako noong umalis na si kuya Anton. Hindi niya muna sinabi sa akin kung sino ang bisita ko bago siya umalis. Bastos rin ang kapatid ko. No choice na ako at talagang papasok ako sa loob ng bahay namin.

Laking gulat ko nga noong makita ko siya. Gusto ko matuwa. Ayaw ko man aminin ay namiss ko siya kasi isang linggo siya walang paramdam sa akin. Pero naalala ko naiinis pala ako sa kanya dahil nga isang linggo siya walang paramdam tapos ngayon lang ulit. Ang kapal talaga ng mukha niya.

"Alam kong sinabi ko sayo na hindi na kita guguluhin pang muli. Pero nalaman ko na ngayon ang alis mo." Sabi ni Tucker sa akin kaso ang mga mata ko ay nandoon sa hawak niyang maliit na panda bear. "For the last time, Rye kung ayos lang ba sayo na hatid kita sa airport."

Tumingin ako sa kanya saka umiling. "No need. Si Apollo kasi ang maghahatid sa akin sa airport at ayaw kong maisturbo ka pa sa trabaho mo."

May for the last time pang sinabi ang lalaking ito para bang ayaw na niya ako bumalik pang muli rito ah.

"Kahit kailan hindi ka–"

"It's okay. At saka sa pag-balik ko ay may sasabihin ako sayong importante."

"Bakit hindi na lang ngayon?"

Umiling ako na ngumiti sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba itong desisyon ko pag-balik ko ng Pilipinas. Bahala na nga.

Hinawakan ni Tucker ang isang kamay ko at nilagay niya sa palad ko yung maliit na panda bear. "Alam kong ayaw mo ko nandito kaya aalis na ako. So, see you next week?"

Tumango ako sa kanya bago pa siya lumabas ng bahay namin.

Ang daming oras ang nasayang dahil hindi ko inaasahan pupunta ngayon si Tucker at kailangan ko na mag-madali ayusin ang mga gamit ko. I-double check ko na muna kung may nakalimutan pa ba ako.

"Passport..." Paalala ko sa sarili. Hindi ko pwedeng kalimutan ang passport at VISA ko dahil hindi ako makakapunta sa US kung hindi ko dala ang mga 'yon.

Tumayo na ako pagkatapos kong i-double check ang mga gamit ko. Wala na rin naman nakalimutan kaya dinala ko na sa may sala yung luggage ko. Bago ako maligo ay tinext ko na muna si Apollo kung ayos lang ba sa kanya na siya ang maghahatid sa akin sa airport. Mabuti na lang pumayag siya.
Ayaw ko kasi si Tucker ang maghahatid sa akin. Ang awkward.

Ilang oras ang lumipas ay sinamahan na muna ako ni Apollo habang wala pa yung flight ko.

"Mag-iingat ka doon ah. Wala ako doon para samahan kita."

"Opo, 'tay." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Tatay ka diyan. Seryoso ako, Ryelee. Kahit doon tayo nagkakilala ay alam kong hindi mo pa rin kabisado ang pasikot doon. Kilala kita dahil hindi ka masyadong lumalabas ng bahay. Kung hindi kita pinipilit sumama sa amin ay hindi ka talaga lalabas."

Simulang tumira ako sa US ay bihira na nga lang ako lumabas ng bahay kasi wala naman akong gagawin. Pero noong naalala ko kung ano ba talaga ang sadya ko kung bakit ako nasa US ay doon ako napaisip na kailangan ko pala magpatayo ng bakeshop doon. Bago pa ako nagpatayo ng bakeshop ay pinakilala sa akin ni Apollo ang isang kaibigan niya na business partner rin namin. Si Jenny. Siya rin yung babaeng mahal ni Apollo pero may mahal ng iba.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon