32 - Accident

2.4K 58 0
                                    

Sinabi na rin namin ni Tucker sa iba ang tungkol kay Aerith. Nagalit pa nga si daddy sa amin dahil nagkaroon na agad kami ng anak na hindi pa kami kasal pero inawat siya ni mama habang si kuya Anton ay hindi nagsasalita. Ewan ko ba sa kanya kung bakit ang tahimik niya ngayon. Nakatikim nga rin si Tucker na sermon kay ate Farrah kahit inaawat na rin siya ni kuya Ken.

"Kung hindi ka lang naging tanga noon ay sana kasal na kayo ni Ryelee ngayon." Sermon ni ate Farrah kay Tucker.

"Ate, nagsisi na ako."

"Pasalamat ka mahal ka pa rin ni Ryelee. Paano kung hindi? Hindi magiging kumpleto ang pamilya ng anak niyo at siya rin ang magiging kawawa pag-laki niya."

"Farrah, tama na 'yan. Ang importante ay okay na." Awat ni kuya Ken sa asawa.

"Hindi, Ken. Para matuto ang kapatid ko. Ewan ko kung paano ko naging kapatid ito. Hindi naman ganito kung paano sila pinalaki ni Noel."

"Ate, sorry." Nakikita sa mga mata ni Tucker na parang iiyak na siya. "Inaamin ko namang kasalanan ko ang nangyari noon. Nagsisi na nga ako."

Naawa nga ako kay Tucker sa mga panahon na iyon. But more important ay okay na ang lahat. Alam na nila ang tungkol kay Aerith. Makakasama ko na ulit ang anak namin. At si nanay Vicky naman ay kinausap niya kami na uuwi na muna siya sa pamilya niya at pinayagan ko ang matanda na umuwi na muna sa kanila.

Ngayon ay nakipag kita ako sa mga girls. Busy kasi ang mga boys kaya kaming babae lang ang nag-kita kita. Pinakilala ko na rin sa kanila si Aerith.

"Hindi talaga ipagkakaila na anak talaga ito ni Tucker." Sabi ni Kim.

"Huwag mo na kasi paalala sa akin na walang nakuha sa akin si Aerith." Sabi ko sa kanya. Pinag mumukha ng mga tao sa akin na carbon copy talaga ni Tucker ang anak namin at walang nakuha sa akin niisa. Totoo naman.

"Pero ang ganda ng anak niyo." Sabi naman ni Danica.

"Siyempre, maganda ang mommy." Proud kong sabi. "Pero gwapo rin ang daddy kaya maganda ang lahi."

"Kailan naman balak ni Tucker mag-propose sa'yo?" Tanong ni Kim sa akin.

Nag-kibit balikat ako. "Hindi ko alam. Masyado kasing busy si Tucker sa trabaho at mabuti nga may oras pa siya kay Aerith."

"Malay mo mamaya. Bukas? Next month? Kyaah! I can't wait to see you in a wedding gown, Lee." Excited na sabi ni Kim.

"Ikaw, kailan mo balak pumasok sa isang relasyon, Kim? Naikwento sa amin ni Henry na naging kayo pala." Sabi ni Danica.

"Naikwento pala niya ang tungkol doon. Yeah, naging boyfriend ko nga siya pero months lang ang tinagal ng relasyon namin. Hindi ko kasi alam na bagong girlfriend pala ni papa ay ang mama ni Henry. Kinausap niya ako noong nalaman namin ang lahat at siya pa mismo ang nakipag hiwalay sa akin. Sobra akong nasaktan sa nangyari at hindi ko tanggap na kapatid ko siya. Kahit nakatira kami sa isang bahay ni Henry ay hindi ko siya pinapansin o kinakausap. Lalo na naiinis ako sa kanya dahil nakikita ko siya na may kasamang babae noong high school pa lang tayo."

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Mahal ko pa rin siya pero wala, eh. Baliwala na lang sa kanya ang mga pinag samahan namin noon."

Walang ideya si Kim na mahal pa rin siya ni Henry. Kung baliwala na lang kay Henry ang lahat na pinag samahan nila ay sana hindi siya apektado habang kinukwento niya sa amin ang tungkol doon noon.

"That's not true!" Napalingon kaming lahat at nandito si Henry. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Kim.

"Huh? Anong ginagawa mo rito? Girls bonding ito. Maliban na lang kung bakla ka." Sabi ni Kim.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon