Ryelee's POV
Naiinis ako kay Tucker dahil ayaw niyang sabihin kung ano man ang binulong niya kay Lisa. Pasamalat siya wala ako sa mood ayawin siya at ayaw ko rin makita ng mga bata na inaaway ko siya. Limang taon nga ako wala sa tabi nilang lahat especially, Aerith. Lahat sila ay mas close kay Tucker. Kainis.
Pagkatapos namin mamasyal ay kumain kami bago bumalik sa hotel. Hindi ko na nga siya kinakausap simula pa kanina at inaabala ko na lang sa ibang bagay.
Pumasok na ako sa banyo para maligo dahil gusto ko na rin ang matulog.
"Hindi mo naman sinabi na gusto mo pa lang sumabay sa akin maligo." Namilog ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Tucker.
"Sorry. Akala ko lumalabas ka ng room kanina." Tumalikod na ako. Mas lalo yatang humaba ang kaibigan niya at gising na gising.
"Para naman hindi mo pa nakikita na wala akong suot ah. May tatlo na tayong anak, Rye."
"Kahit na. Limang taon akong comatose kaya..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Nahihiya ako lalo na buhay na buhay yung kaibigan niya.
"Look at my buddy. Magising pagkakita niya sa'yo."
"Ang bastos mo, Tucker!" Sabi ko at narinig ko ang pag-tawa niya. Pinag tawanan daw ba ako. Sarap sakakin talaga ang lalaking ito hanggang mawalan ng hininga. Siyempre hindi ko iyon gagawin. Ayaw ko mawalan ng boyfriend at ama ng mga anak ko.
Alam ko naman kung gaano ako namiss ni Tucker dahil nga limang taon ako wala sa tabi niya. Kung gaano rin siya nahihirapan alagaan ang tatlong bata na sabay-sabay. Nakaramdam ako ng guilt dahil wala ako sa tabi niya para tulungan siya.
Hindi ko namalayang lumapit sa akin si Tucker dahil niyakap niya ako mula sa likod. "I miss you damn much, Rye. Pero masaya ako dahil kasama ka na ulit namin ng mga anak natin."
"I love you, Tuck kahit pakiramdam ko ay may tinatago ka sa akin."
"May tinatago? Wala ah. Promise wala akong tinatago sa'yo."
Humarap ako sa kanya kaso pinasandal ako ni Tucker sa pader malapit sa shower. "Siguraduhin mo lang wala kang tinatago sa akin."
Hinalikan na ako ni Tucker sa labi at agad akong tumugon. Nararamdaman ko na tinatanggal na rin niya ang kasuotan ko.
"Ano ang ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Maliligo tayo ng sabay. Sasabunin ko iyang likod mo kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Nangako ako sa sarili ko na wala na muna mangyayari sa atin hangga't hindi pa tayo kasal."
Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Kasal?"
"Yep. Balak ko rin na yayain ka ng kasal kapag handa ka na."
Wala nga pa lang ideya si Tucker kung ano ang sinabi ko sa mga mommies namin. Inamin ko sa kanila na hinihintay ko na lang si Tucker na tanungin ako ng kasal. Doon rin naman ang punta naming dalawa at bakit pa ako hihindi sa kanya kung tatanungin na niya ako.
Kinabukasan pagkatapos namin kumain ng agahan ay pumunta na kami sa Zoo. Excited na nga ako makita ang mga panda. Pangarap ko talaga makakita ng panda. Kahit may pera naman kami ay busy lagi si dad sa kumpanya kaya hindi kami maka punta sa ibang bansa. Kung out of town ay palagi ang pamilya ni Tucker ang kasama ko.
Hindi mawala ang saya ko nang makita ko ang isang panda. Naiiyak ako sa tuwa dahil natupad na rin ang pangarap ko. Pwede ko bang kunin yung panda at ako mismo ang mag-aalaga sa kanya? Gusto ko rin ang mag-alaga ng panda.
"Tuck–" Napasinghap ako ng makita kong lumuhod si Tucker pagkalingon ko ngayon at may hawak na singsing.
"Oh God! I'm so nervous." Mahina niyang sambit. Kinakabahan ba siya baka humindi ako? Lalo na agaw pansin ng mga tao ang pag-propose niya sa akin. "I know I made a mistake before but you gave me a second chance to forgive me. Ryelee Salazar, my beloved girlfriend, mother of my children and my future wife. Will you marry me?"
Napangiti naiiyak ako at tumango ako kay Tucker. "Yes, I will marry you."
Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko bago pa siya tumayo para yakapin ako. "Thank you. I love you."
"I love you too, babe."
Masaya ako dahil malapit na matupad ang pangarap ko na magpakasal kay Tucker at makasama siya habang buhay.
"Yay!" Tumingin ako sa mga anak namin at tinawag ko sila para lumapit.
"Congrats po, mommy, daddy." Masayang sambit ni Aerith.
"Babe, ang akala ko pa naman ay hihindian mo ko." Binaling ko ang tingin kay Tucker.
"Bakit ko gagawin 'yon? At ayaw ko mapahiya ka sa lahat na tao rito. Agaw pansin kaya ang ginawa mo."
"Ang totoo niyan ay narinig ko ang sinabi mo noon sa mommies natin. Ang balak ko sana mag-propose sa'yo yung gabing naaksidente tayo."
Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ba ako dahil nacomatose ako ng limang taon dahil dito mismo sa Korea nag-propose sa akin si Tucker.
"Heto ba ang binulong mo kay Lisa kahapon?" Tanong ko sa kanya kinatango niya. Pinalo ko siya sa braso. "Sabi na nga ba may tinatago ka sa akin, eh."
"Ayaw ko kasi masira ang plano ko. Alam rin ng pamilya at mga kaibigan natin na magpopropose ako sa'yo."
"Bilang kaparusahan mo ay gusto ko mag-alaga ng baby panda." Sabi ko sa kanya.
"Babe, hindi pwede. I mean, paano natin iyan i-lalagay sa eroplano? Bibilihan na lang kita ng stuff toy."
"Stuff toy na naman? Ang dami ko ng stuff toys na panda."
"Just kidding. Aso na lang. Alam ko namang gusto mo rin ng aso."
"Never mind." Sabi ko. Gusto ko nga rin mag-alaga ng aso pero binibiro ko lamang si Tucker. Hindi ako makapaniwala na kakagat siya doon. "Binibiro lang kita."
"But I'm serious. Gusto kita bigyan ng aso."
"Okay, if you really insist."
"Golden retriever? O Labrador?"
"Alam mo naman mas gusto ko ng Golden retriever kaysa sa Labrador. At ikaw lang may gusto sa Labrador." Sabi ko sa kanya. Pareho kasi kami mahilig ni Tucker sa aso. Naalala ko pa may alaga silang Labrador. Not pure Labrador. Mix breed siya kumbaga. "At malay mo in the future ay pwede ako tulungan ng Golden retriever sa pag-alaga sa magiging anak pa natin."
"Aba, planado na susundan natin ang kambal."
"Yes, but not now."
"I know. After the wedding. I can't wait to tou–" Muli ko siyang pinalo sa braso.
"Tumigil ka nga baka marinig ka ng mga tao at ng mga anak natin." Sermon ko sa kanya. Limang taon na nga pero wala pa ring nag-bago sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomantizmAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
