Tinext ko na kay Kim kung saan kami magkikita na dalawa ngayon. Magkikita kami sa isang club. First time ko pa lang pumunta sa ganoong lugar dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako pumupunta sa kahit anong club. Kahit nasa US pa ako nakatira. Kahit niyaya ako ng mga kaibigan ko roon na sumama sa club pero palagi ako tumatanggi. Ngayon lang ako pupunta sa mga club.
Pagkapunta ko sa club ay hinanap ko agad si Kim kaso sa masamang palad ay may lalaking lumapit sa akin.
"Miss, are you alone tonight?" Tanong noong lalaking mukhang manyak. Ang creepy niya.
"Sorry pero may kasama ako ngayon." Nilagpasan ko na siya dahil nakakatakot siya. Para bang may balak na masama.
Hinawakan niya ang braso ko dahilan huminto ako sa paglalakad. "Huwag mo ko tatalikuran, miss."
"Bakit may dapat pa ba tayo paguusapan? Ni hindi nga kita kilala."
"Ma'am, ginugulo ka ba nito?" Tumingin ako sa isang malaking tao. Bouncer ng club at nakita ko rin si Kim sa likod.
"Oo, kuya. Ayaw ako tantanan ng taong nito." Sabi ko doon sa bouncer.
"Sir, hindi kayo pwedeng mang-gulo dito sa loob ng club. Kung gusto niyo mang-gulo sa labas na lang kayo." Sabi noong bouncer.
Pagkaalis noong bouncer at creepy ay nilingon ko na si Kim.
"Dapat pala sinundo na lang kita para sabay na tayo pumunta rito." Sabi niya.
"Ayos lang. Kaya ko naman ang sarili ko." Naglakad na kami papunta sa bakanteng lounge.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito? Ang pagkaalam ko ay hindi ka naman pumupunta sa ganitong lugar, Lee."
"Ngayon lang. Pag-bigyan mo na ako, Kim."
"May problema ba? Kaya tayo nandito ngayon?"
Bago ko pa sagutin si Kim ay umorder na muna kami ng maiinom namin. Hindi nag-tagal ay dumating na yung drinks namin. Tingnan natin kung gaano katapang ang drink na inorder ko ngayon.
"Kasi naman..." Panimula ko sabay inom ng drink ko. "Nag-kita kasi kami kanina ni Tucker."
"W-Wait. Nandito si Tucker ngayon sa Pilipinas?" Parang hindi makapaniwala si Kim sa narinig. Wala pala silang alam na bumalik na si Tucker.
"Wala ba kayong alam na umuwi na siya?" Tanong ko sa kanya.
"Wala akong alam nandito na si Tuck. Wala na nga kaming balita sa kanya dahil niisang tawag o email namin ay hindi sinasagot ni Tuck. Mukhang ikaw ang dahilan kung bakit siya bumalik."
"Para guluhin ang tahimik kong buhay? Ayaw ko na nga siyang makita ngayon, eh." Pinunasan ko na ang luha ko. Pumapatak na naman ang luha ko sa tuwing naalala ko ang tungkol sa ginawa ni Tucker sa akin. "Tahimik na ang buhay ko noong wala na siya sa buhay ko."
"Lee, wala ka magagawa. Talagang magkikita at magkikita kayong dalawa dahil mag-kaibigan ang pamilya niyong dalawa. Ikaw pa ang nag-sabi noon sa amin na isa sa mga pinagkakatiwalaang investor ang pamilya mo sa kumpanya nila Tuck."
Hindi na ako sumagot kay Kim dahil inubos ko na ang laman ng baso ko at umorder ulit ako. Nakailang na ba ako? Hindi ko na mabilang. Basta ang naalala ko na lang ay nahihilo na ako at mukhang tinamaan na ako ng alcohol. Hindi pa naman ako umiinom kaya madali ako tamaan.
"Lee, hinay-hinay lang sa pag-inom. Hindi ka sanay uminom ng alcohol." Pag-awat sa akin ni Kim.
"Naiinis kasi ako. Kung bakit ba kasi siya bumalik."
"Kung matagal ka ng move on kay Tuck ay sana hindi ka na magpapa apekto sa presensya niya ngayon. Wala na siya ngayon sayo."
Kinuha ko na muna yung baso na iniinuman ko bago sagutin si Kim. "Asar! Kahit anong gawin kong pag-limot sa kanya ay mahal ko pa rin siya. Kahit sobrang sakit noong ginawa sa akin ni Tucker."
Oo, inaamin kong mahal ko pa rin siya pero ginagawa ko naman ang lahat para pigilan ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit nga sa sarili ko ay naiinis ako.
"Mahal mo pa rin siya? Sabagay, siya ang first love at first boyfriend mo."
"At sa kanya ko rin naibigay ang sarili ko. Kaya naiinis rin ako sa sarili ko ngayon." Pinunasan ko na naman ang luha ko. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ako puma–"
"What?! May nangyari sa inyo ni Tucker noon?" Tumango ako kay Kim. Kaibigan ko siya kaya pagkakatiwalaan ko kahit sino sa mga kaibigan ko. "Kailan nangyari iyon?"
"Noong huling uwi niya rito sa Pilipinas. Graduation natin. Akala ko kasi siya na ang lalaki para sa akin pero nagka mali ako. Niloko lang pala niya ako. Hindi pa siya na kuntento sa akin kaya nag-hanap pa siya ng ibang babae sa Australia."
Umupo sa tabi ko si Kim. "Hush now. Marami pa naman lalaki diyan. How about yung guy na kasama mo umuwi?"
"Si Apollo?" Umiling ako sa kanya. "Kaibigan ko lang siya at may mahal na siyang iba. Nasa US nga yung babae."
"Sayang. Sabagay, gwapo naman siya."
"Type mo?" Tumango sa akin si Kim. "May 50% chance ka naman kay Apollo. Gusto ko rin makahanap ng ibang babaeng mamahalin ang kaibigan kong iyon. Yung mamahalin rin siya."
"Bakit 50% lang? Hindi mo pa ginawang 100%."
"Sabi ko nga may mahal na siyang iba pero yung babaeng mahal niya may mahal nang iba at hindi alam noong babae tungkol sa nararamdaman ni Apollo sa kanya."
"Bakit hindi niya sabihin doon sa babae?" Tanong niya sa akin.
"Torpe at ayaw niya rin masira ang pagkakaibigan nilang dalawa."
"Maiba pala tayo, Lee. Wala ka na bang balak mag-hanap ng lalaki sa buhay mo?"
"Masaya na ako kung ano meron ako ngayon. Nandiyan naman kayo mga kaibigan ko at pamilya ko."
Tumingin ako sa phone ko na may tumatawag sa akin. Kuya Anton's calling. Patay hindi nila pwede malaman kung nasaan ako ngayon. Baka malaman nila na may problema ako ngayon. Hindi ako titigilan ng pamilya ko kapag hindi ko sinabi sa kanila ang totoo.
"Kim, uwi na ako. Hindi kasi pwede malaman ng pamilya ko kung nasaan ako ngayon. Lalo na si kuya Anton."
"Hatid na kita sa inyo. Hindi kita papayagan na umuwi na mag-isa dahil delikado."
Tumango lamang ako kay Kim. "Salamat."
~~~~~
Next update will be on Nov. 24
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...