"Hey, Ryelee." Lumingon ako sa tumawag sa akin and it was Apollo. "Whoa! Ang laki na ng tyan mo. Sigurado ka bang kaya mong mag-trabaho?"
"Nandiyan ka naman para tulungan ako, diba? Like the old days." Sagot ko sa kanya.
I'm 5 months pregnant sa aming baby boy. Natupad na rin ang pangarap ni Jarvis na magkaroon ng kapatid na lalaki dahil puro babae ang kapatid niya. Natuwa nga si Jarvis noong sinabi namin sa kanila kung ano ang gender ng magiging kapatid nila pero 'yon naman ang baliktaran ni Ryenne. Nandiyan naman ang ate Aerith niya, eh.
"Shall we?" Tanong niya na kinatango ko.
Abala kami ni Apollo sa bakery dahil ang daming customers ang bumibili.
"Apollo, 5 years na rin pero wala ka pa rin ba napupusuan ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin sabay ngiti. "Hindi ako nagmamadali magkaroon ng girlfriend o asawa. Ang priority ko ay ang trabaho at pamilya ko."
"Nahanap na ba ni Hermes ang kakambal mo?"
"Si Artemis? I don't know... pero noong isang araw ay umuwi si Artemis sa bahay. Ilang taon rin nag-tago ang babaeng 'yon. Kahit tinatawagan niya ako araw-araw ay naiinis ako sa ginawa niya dahil hindi tama na umalis siya ng walang paalam. Pinag aalala niya si mama."
"That's good. Ang importante ay bumalik siya sa inyo. Anyway, may balita ka ba kay Kim ngayon? Ang huling kwento sa akin ni Tucker ay nag-kita daw kayo sa Bohol."
"Oo, nag-kita nga kami sa Bohol noon pero sa masamang palad ay nakatikim pa ako ng suntok sa ex boyfriend niya."
"Si Henry talaga hindi nag-iisip."
"Ayos lang. Mabuti nga hindi ako sinuntok ng ex boyfriend mo ngayon ay asawa mo na." Natatawang sambit niya. "Kasalan rin pala ang bagsak niyong dalawa. Parang dati lang ay gusto mong gumanti sa kanya."
"Huwag na natin pag-usapan ang nakaraan. Masaya na kami ni Tucker ngayon."
"Nakikita ko nga. May bagong parating pa nga sa inyo."
Napatingin ako sa phone ko dahil tumutunog 'yon at nakita ko ang pangalan ni Danica sa ID caller ko.
"Hell–"
"Lee, buksan mo yung group chat natin! Dali!"
"Ano ba meron sa group chat natin?"
"Basta. Buksan mo na lang yung group chat." Binaba na ni Danica yung tawag at wala na akong choice kaya binuksan ko na ang group chat namin.
Ang dami na ngang conversation na hindi ko nababasa pero doon ako sa latest conversation. Binasa ko yung chat nina Henry at Chad. May isang picture rin sinend si Henry. Wait – Isang wedding picture ang sinend niya sa group chat namin. Kinasal na pala sila ni Kim at isang civil wedding lamang 'yon. Kakatampo dahil hindi nila kami sinabihan sa plano pero iintindihin ko na lang ang sitwasyon nila. Mag-kapatid pa rin sila sa mata ng ibang tao pero kami ay susuportahan namin silang dalawa kung saan sila masaya. Alam na rin pala ni Henry na may anak siya kay Kim sa tulong ni Chad. Hay naku talaga si Chad. Lakas maka sagap ng tsismis. Isang kilalang police officer pa siya sa palagay na 'yan ah.
Pag-uwi ko ay hindi ko inaasahan maaga rin pala ang uwi ni Tucker kaya lumapit ako sa kanya para tanungin kung may ideya na ba siya tungkol sa secret wedding nina Henry at Kim.
"Babe." Binaling ni Tucker ang tingin sa akin pero binalik sa laptop.
"Yes, babe?"
"May alam ka na ba tungkol sa secret wedding nina Henry at Kim?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
