Ilang buwan na noong pinayagan si Ryelee na lumabas ng ospital. Alam na ng pamilya niya at mga kaibigan namin na gising na siya. Masaya ang mga kaibigan namin dahil gising na si Ryelee at pinakilala nila Christian ang anak nilang lalaki na si Miko. Ang masaklap mukhang pinopormahan ni Miko si Ryenne. Ang babata pa nila at hindi ako papayag pa doon. Friends pwede pa.
Kinausap ko si Jun na ayusin ang schedule ko para mag-bakasyon kami buong pamilya at nag-pasya ako na mag-propose na kay Ryelee. Nag-hanap pa ako kung saan magandang lugar sa Korea na pwedeng mag-propose sa kanya para memorable.
Habang nandito kami sa hotel suite namin ay ang daming sinasabi ni Ryelee kung ano ang pinagkaiba ng red panda at raccoon. Marami daw ang pinagkaiba ng dalawa. Sa totoo lang ay wala ako maintindihan sa sinasabi niya. Puro tango na lang ang ginagawa ko. At siyempre, miss ko na rin marinig ang boses niya. Limang taon siyang walang malay.
"I can't wait to see a real panda." Kumikinang pa ang mga mata nito. Natawa ako dahil para siyang bata.
"Don't worry, babe. Pupunta tayo bukas na bukas rin para makita mo na ang mga panda."
"Daddy, talaga po bang may red panda dito? Rinig niyo naman ang sabi ni mommy na dangerous species na sila ngayon." Tingnan mo itong si Ryenne. Makapag salita akala mo hindi ama niya ang kausap.
Kanino kaya nag-mana ang kambal? Hindi kami ganyan ni Ryelee.
"Sigurado akong may red panda dito." Binaling ko ang tingin kay Ryelee. "Believe me, babe."
"Naniniwala naman ako sa'yo." Nakangiting sambit ni Ryelee sa akin. Ang dami kong namiss sa girlfriend ko.
Kaya naman pala tumahimik ang suite namin dahil tulog na ang mga bata. Pagod rin ang haba ng biyahe namin pero si Ryelee ay ayaw niya matulog.
"Musta na pala yung mga kaibigan natin? Noong huling usap ko sa kanila ay hindi ko sila masyado nakausap dahil yung iba ay sobrang busy. Sina Chris at Nica lang ang nakausap ko. How about Kim and Henry? Nagkaayos na ba sila?"
"I don't think so. 3 years ago ay nasa Bohol si Kim dahil doon siya inassign ng boss niya. Ayon sa kwento noon ni Henry ay sinundan niya si Kim doon para magkaayos na silang dalawa. Kaso pagkakita niya kay Kim ay kasama niya si Apollo."
"Si Apollo?"
Tumango ako. "Yes. Hindi mo alam?"
"Wala akong ideya. Wala na akong communication kay Apollo simulang bumalik siya sa US at hindi ko nga alam na nakabalik na siya rito."
"Ayon na nga hindi natuwa si Henry sa nakita niya kaya sinuntok niya si Apollo pero sa masamang palad ay mas lalong nagalit sa kanya si Kim."
"Sino ba ang matutuwa sa ginawa niya? Walang ginawang masama yung tao. Kung nandoon rin ako ay magagalit rin ako kay Henry. Kawawa yung tao. Buti hindi mo iyon ginawa dati. Noong akala mo boyfriend ko si Apollo."
"Alam ko kasing magagalit ka kapag ginawa ko 'yon. Mas pinili ko na lang ang masaktan sa tuwing nakikita ko kayong mag-kasama kaysa magalit ka sa akin nang lubusan."
"Tapos? Ano nangyari sa love triangle nila?" Halatang tuwang tuwa si Ryelee sa kinukwento ko sa kanya. At anong love triangle?
"Love triangle?"
"Yep. Mahal pa rin ni Henry si Kim pero may crush si Kim kay Apollo. Ewan ko lang si Apollo kung move on na siya kay Jenny."
"I see... Ito ang nangyari sa tuwing nagkikita ang buong tropa ay walang imikan ang dalawa. Nakakaramdam na kami na hindi magandang mangyayari kapag iniwanan namin sa isang pwesto ang dalawa. Baka world war III na."
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
