Ryelee's POV
"Malapit na ang birthday ni Tucker. May plano kayo kung ano ang gagawin natin sa araw na iyon?" Tanong ni Chad sa aming lahat.
"Baka may ideya ka, Lee."
Kumurap ako. "Bakit ako ang tinatanong niyo?"
"Siyempre. Kababata mo si Tucker kaya ikaw ang mas nakakilala sa kanya." Sabi ni Kim.
"Oo nga pero dalawang taon na kami hindi nagkikita. Siyempre marami na rin ang nag-bago kay Tucker."
"Kagaya ng ano?" Tanong ni Henry. "Para sa akin wala nag-bago kay Tucker. Kung paano ko siya nakilala noong high school ay ganoon pa rin siya."
"Marami na. Maliban na lang sa pagiging makulit niya." Sagot ko. Sa nakikita ko kasi ay marami na nag-bago kay Tucker at isa na doon ang pagiging mabuting ama niya kay Aerith. Kahit busy pa siya sa kumpanya nila. Kung gusto niya makipag kita kay Aerith ay pinapaalam pa niya sa akin para pareho kami puntahan ang anak namin.
"Umamin ka nga sa amin, Lee." Tumingin ako sa kanilang lahat noong nag-salita si Christian. Ang seseryoso nila ngayon at saka hindi ako sanay seryoso yung mga lalaki. "Nagkaayos na ba kayo ni Tucker?"
Ngumiti ako. "We're fine. Binigyan ko rin ng pangalawang pagkakataon si Tucker ngayon kasi..."
"Kasi ano?" Sabay nilang lahat.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam na buntis ako noong nag-hiwalay kami ni Tucker."
"Weh?" Hindi naniniwala si Chad sa akin. "Seryoso ka, Lee?"
"Mukha ba ako nagbibiro, Chad?"
"Let me guess, kambal yung anak niyo." Ani Henry.
Umiling ako. "Bakit mo naman nasabing kambal ang anak namin?"
"Kasi may kambal si Tucker tapos may kambal ka rin. Imposible na hindi kayo magkakaroon ng kambal sa pagkakataon."
"Bro, malay mo in the future ay magkakaroon nga ng kambal sila." Nakangiting sambit ni Chad.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. Paniguradong namumula na ako. "Hindi pa kami nagkakabalikan kaya imposible iyang sinasabi niyo."
"Nothing's impossible, Lee. Kung sinabi mo kanina na binigyan mo ng pangalawang pagkakataon si Tucker ay hindi imposible na magkabalikan kayong dalawa. Magiging buong pamilya kayo." Sabi ni Danica.
"Tama si Nica. Tandaan mo yung sinabi namin sayo na mas gusto namin ikaw ang girlfriend ni Tucker kaysa doon sa fake girl–" Nakita ko kung paano siniko ni Danica si Kim. "Whoops. Sorry."
"Ang daldal talaga." Narinig ko ang mahinang sambit ni Henry.
Ngumiti ako sa kanila. "It's okay. Tucker told me everything. At noong isang araw ay nag-simula na siyang mang ligaw sa akin."
Tuwing umaga kasi pagkagising ko ay may inaabot sa akin si kuya Anton na isang panda stuff toy. Malabong si kuya Anton ang mag-bigay sa akin noon kaya nagkaroon na ako ng ideya kung sino. Kung hindi panda ay chocolate ang pinapadala niya sa bahay. Mukhang may balak pa yata patabain ako o kaya magkaroon ng diabetes. Huwag naman sana.
"Iyon naman pala!"
Ang pagkaalam ko kaya kami nandito ngayon sa bahay namin dahil paguusapan kung ano ang plano sa darating na birthday ni Tucker. Pero napunta sa akin.
"Back to our topic. Bakit hindi na lang tayo pumunta sa beach? We need a vacation. Masyado ng stress ang trabaho natin." Sabi ko sa kanila.
"Oo nga. Since high school ay iyan na ang gusto nating gawin pagtapos natin sa pag-aaral." Pagsasang ayon ni Kim sa akin.
"Not bad idea. Mag-hanap na rin tayo ng chicks doon, Henry." Sabi ni Chad kay Henry.
"Tigilan mo nga ako, Chad. Wala akong balak mag-hanap ng babae."
"Bakit, pre? Hindi ka na rin bumabata para hindi pa mag-hanap ng magiging future wife mo." Ani Christian.
"Hoy! I'm only 23 years old. Bata pa ako at ineenjoy ko pa ang pagiging bachelor ko. Baka magsisi ako kapag hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin habang binata pa ako kapag kinasal na ako."
Pare-pareho lang naman ang edad naming lahat dahil mag-kaklase kaming lahat noong high school.
Tumingin ako noong biglang pag-tayo ni Kim. "Guys, I have to go. May pupuntahan pa kasi ako ngayon."
"Okay. Ingat." Sabi ko
"Henry, may past ba kayo ni Kim?" Napatingin ako kay Danice noong tanungin niya si Henry pero binaling ko kay Henry kaso walang sagot kami natanggap sa kanya. "Hello? May kausap pa ba ako?"
"Oo, meron." Sagot niya na kinagulat naming lahat. Naging girlfriend pala ni Henry si Kim.
"If you don't mind. Ano nangyari sa inyo? Bakit kayo nag-hiwalay?" Tanong ko.
"Noong nalaman ko ang naging boyfriend ni mama ay ang papa ni Kim kaya kinausap ko siya at nakipag hiwalay ako sa kanya."
"Pero mahal mo pa rin ba si Kim?" Tanong ni Danica.
"Yeah, pero kahit anong nararamdaman ko para sa kanya ay wala na iyon sa kanya. Ang tingin kasi ng ibang tao ay mag-kapatid kaming dalawa ni Kim."
Wala akong ideya na step brother pala ni Kim si Henry. Iba kasi ang ginagamit ni Kim na apilyido.
"Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol rito. Ito kasi ang gusto ni Kim na huwag ko daw sabihin sa lahat na nakakilala sa amin na mag-kapatid kami."
"It's okay. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon niyong dalawa, right, guys?" Tumingin ako sa iba na kinatango nila.
"Tama, pre. Kaibigan mo kami kaya handa kami makinig sa problema ng isa't isa." Sabi ni Christian. Tinamaan ako doon kasi ilang taon ko tinago sa kanila ang problema ko. Umalis pa ako ng bansa para kalimutan pero baliwala lang din.
"Hell–" Tumingin ako noong narinig ko ang boses ni Tucker. "Hindi ko alam nandito pala ang buong barkada. Ano meron? Mukhang may meeting kayo na hindi niyo ko inimbitahan."
"Kinakamusta lang namin si Lee kaya kami nandito." Sagot ni Danica.
Hindi pwede sumagot ang mga boys baka sabihin nila ang plano namin para sa birthday ni Tucker. Masisira ang surprise.
"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya.
"Free ka ba this Saturday?"
"Bakit?"
"Niyaya kasi ka ni mama pumunta sa bahay. May aanunsyo daw ang mga magulang natin."
Kumunot ang noo ko. "Kasama ang pamilya ko?"
Tumango siya. "Yup."
"Baka paguusapan niyo na ang tungkol sa kasal niyo." Singit ni Christian kaya pinalo siya ni Danica.
"Alam na ng pamilya namin na matagal na kaming wala ni Tucker. Kaya malabo ang inaanunsyo nila ang tungkol sa kasal."
"Hindi ko kayo pinauunahan na dalawa pero sa tingin ko baka iyon na ang tamang panahon para sabihin sa kanila may anak na kayo." Sagot ni Danica.
Tumingin ako kay Tucker pero binaling ko ulit kay Danica. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ni Danica. Alam ko ang pwedeng mangyari kung sasabihin namin sa kanila ang tungkol kay Aerith. Pwede nila kami ipakasal ni Tucker kaso hindi pa ako handa magpakasal. Hindi pa nga ako nagsisimula sa business ko rito.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
Storie d'amoreAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...