Panimula

99 6 4
                                    

Ako'y hindi manunulat,
Isang tao lamang na, sa tunay na mundo'y namulat,
Ginamit na sandata ang pluma,
Ang papel bilang panangga.

Isa lamang ako sa libo-libong sumusulat,
Nagnanais na ang mga nasa isip ay maulat,
Na maging pahayagan ang mga pahina,
Na maging salita ang itim na tinta.

Ang bawat damdaming di maisiwalat,
Sinatitik ng aking munting panulat,
Ang bawat titik, salita at talata,
Ito ang aking tawa, iyak o maging buntong-hininga.

Nakapinid na Damdamin sa orihinal na panulat ni: AN SAKAI


To God be the glory!❤️

Nakapinid na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon