MAMAMASKO PO

22 3 0
                                    


"Ano ba 'to, sino nanaman ba ang naglagay ng medyas na 'to sa bag ko?!" Naiinis kong sigaw at hinagis ang medyas na itim na nanggaling sa bag ko.

"HAHAHAHA si Dwayne naglagay niyan." Tumatawang sagot ng kaibigan ni Dwayne na si Clyde.

Tinignan ko si Dwayne.

'Aba't nakangisi pa si gago. Proud pa yata siya sa ginawa niya!'

"Hindi ba talaga kayo titigil? Nang isang araw, umuwi ako ng may bunot ang bag ko. Kahapon naman basahan at bato, at ngayon naman medyas na amoy imbornal! Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Dwayne?"

"Wala naman. Kala ko kase basurahan iyang bag mo hahahaha." lalo naman akong nainis, sinabayan pa siya ng tawa ng mga tropa niyang gunggong.

Kaagad ko namang sinipa ang bakanteng upuan papunta sa pwesto nila dahil sa inis. Nagtitimpi lang talaga ako. Nakakapagod na, bwiset! Lagi nalang nanti-trip.

"Alam mo, kung anong kina-gwapo ng mukha mo, siya ring kinapangit ng ugali mo! Sayang, crush pa naman kita kaso dati yon kase nakaka-turn off ang ugali mo!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko. Maging si Dwayne at ang mga tropa niya ay natahimik. Hindi ko na inantay pa ang susunod na mangyayari at nag walk out na ako.

'Nakakainis na siya sobra. Totoo naman talagang nakakaturn off yung ugali niya, tsss napaka immature.'

" Hi, ma. May lakad ka?" tanong ko kay mama pagkarating ko sa bahay nang mapansin kong nag-aayos siya.

"Oo, pero mamaya pa naman hehehe excited lang ako. Gawin mo na ang mga assignment mo ng maaga dahil ikaw ang magbabantay ng tindahan."

"Ah sige po, ma."

"Oy bata ka. Ba't hindi mo pa pala dinala ang bunot diyan sa kwarto mo? Sabi ko sayo kanina bago ka pumasok, dalhin mo na iyan at baka wala na kayong gagamiting bunot sa classroom niyo eh."

'Tsss, naalala ko na naman tuloy. Napaamin ako ng wala sa oras kanina, peste!'

"Hayaan mo na yan dyan, ma. Maraming bunot don sa classroom."

"Jingle bells, jingle bells
Jingle all the way,
Oh what fun it is to ride
In a one-horse open sleigh~"

o_O ?!

'Tama ba naririnig ko? May nangangaroling? Ang aga naman yata.'

Pumasok ako sa tindahan–at HAHAHAHAHA di ko alam kung matatawa ako o papalayasin ko sila peste!

Haeop! Si Dwayne nangangaroling sa harap ng tindahan namin kasama yung dalawang ugok na kaibigan niya; si Clyde at si Shawn.

Si Dwayne may hawak pang pabilog na may magkakadikit na tansan. Nananaginip ba 'ko? Hahaha di ko ma-imagine yung mukha dati ni Dwayne na nangangaroling tas makikita ko siyang ginagawa yon ngayon sa harap ng tindahana namin?! Wahahahaha wait lang tatawa muna ako.

"MAMAMASKO PO!" Masiglang sabi ni Dwayne habang ang dalawang kasama niya ay humagalpak ng tawa.

Napabalik ako sa kasalukuyan.

'Infairness, ang gwapo ng nangangaroling ngayon sa harap ng tindahan namin yiii.'

"Patawad. Wala kaming barya." Mapang-asar kong tugon.

'Akala niya, nakalimutan ko na yung panti-trip niya? Ha! Asa siya.'

"Hindi naman barya ang kailangan ko. Mas mayaman pa nga ako sayo eh."

'Aba't nagyabang pa!'

"Eh anong kailangan mo?!"

"Pagmamahal mo."

Agad namula ang pisngi ko.

"Yiiii, lumalande si Dwayne" pang-aasar ng dalawang kasama niya.

"H-Ha?"

"Sabi ko, I love you."

"A-Ah hehehe ano?"

'Tangean, hindi ako makapaniwala. Baka pinagti-tripan na naman ako nito?'

"I said, I love you. I love you, Lavender. Kaya kita laging pinagti-tripan kase gusto kita. Gusto 'kong mapansin mo ako. Fvck, kahit nakakahiya 'tong ginagawa ko ngayon tiniis ko pa rin kase meron na 'kong rason na ligawan ka. Hindi mo alam kung gano ako kasaya kanina nung sinabi mong crush mo ako. Lavender, simula ngayon hindi na kita pagti-tripan... kase liligawan na kita. Gets mo?"

"G-Gets ko." Para akong robot na tumango-tango.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon