Bata pa lang kami ay s'ya na ang gusto ko. Lagi niyang sinasabing panget s'ya, hindi maganda at kahit kailan daw ay walang lalakeng magmamahal sa kanya. Hindi niya alam na may lalakeng palihim na pinagmamasdan ang ganda niyang hindi nakakasawa at pinapangarap s'yang makasama sa pagtanda. At ako 'yon.
~My life is brilliant
My love is pure
I saw an angel
Of that I'm sure~Papalapit s'ya dito. I was just staring at her beautiful face. Ang magulo niyang buhok ay tinatangay ng hangin. Ngumiti s'ya nang pagkatamis-tamis nang makita niya akong nakatingin sa kanya.
~She smiled at me on the subway
She was with another man
But I won't lose no sleep on that
'Cause I've got a plan~Ang sayang nararamdaman ko kanina lang ay napawi nang may lumitaw na lalake mula sa likuran niya. Ang kaibigan niyang lalake na lihim niyang minamahal.
"Tingin mo magugustuhan ako pabalik ni Clyde pag inamin ko na gusto ko s'ya?"
"Ba't di mo subukan? Hmm malay mo magustuhan ka din diba."
Napasimangot s'ya.
"Pero hindi ako pasado sa mga tipo niya. Magaganda lang ang nagugustuhan niya."
"At sino nagsabing hindi ka maganda, ha? Maganda ka, Kate, itatak mo sa isip mo. Maganda ka." mariin kong sabi at sinapo ang pisngi niya.
~You're beautiful
You're beautiful
You're beautiful, it's true
I saw your face in a crowded place
And I don't know what to do
'Cause I'll never be with you~"Alin ang mas bagay sa'kin?" kinuha niya ang tatlong lipstick at ipinakita ito sa'kin "ito bang red? itong matte o itong peach?"
Kinuha ko sa kamay niya ang mga lipstick at ibinalik ito sa lagayan.
"Alam kong nagpapaganda ka para kay Clyde pero hindi mo kailangan 'yan para maging isa ka sa mga tipo niyang babae dahil ang totoong pagmamahal ay hindi bumabase sa panlabas na kagandahan ng tao. Gets mo?"
Nakasimangot s'yang tumanga-tango.
~Yes, she caught my eye
As we walked on by
She could see from my face that I was
flyin' high~"Alam mo gusto kong pumunta dito kapag gusto kong mapag-isa. Ang ganda kasi dito, nakakawala ng problema."
"Kasing ganda mo"
"Ha?"
"Wala"
Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya habang abala s'ya sa kakatingala sa mga puno. Ang mga kamay niya'y nakayapos sa braso ko at tila lumilipad ako sa saya.
~And I don't think that I'll see her again
But we shared a moment that will last 'til the end~"Oh ba't ka na naman umiiyak?"
Tumakbo s'ya palapit sa'kin at niyakap ako nang mahigpit.
"May girlfriend na si Clyde, maganda at matalino pa, di tulad ko na walang maipagmamalaki. Kinausap niya ako na layuan na daw namin ang isa't isa bago pa sila mag-away nang dahil sa'kin. Ang sakit-sakit."
~You're beautiful
You're beautiful
You're beautiful, it's true~Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan s'ya sa noo.
"Shh tahan na. Mahal kita, Kate." bulong ko.
~There must be an angel with a smile on her face
When she thought up that I should be with you~"Sympre mahal mo ako kuya kasi kapatid mo ako."
Kumirot bigla ang puso ko.
'Higit pa sa kapatid ang pagmamahal ko sayo.'
Napangiti ako nang mapait dahil sa katotohanan. Bakit nga ba sa kapatid ko pa ako nahulog nang husto?
~But it's time to face the truth
I will never be with you~