Kasalukuyang nakahinto ang jeep na sinasakyan ko dahil sa sobrang traffic.
Nakakahilo ang init at sumasabay pa ang pagkalam ng tiyan ko dahil sa gutom.
Napapabuntong hininga na lamang akong nagscroll sa facebook ko.Maya-maya'y may nagchat.
"Hi, babi! Naglunch kana ba?"
Napangiti ako bigla.
"Hindi pa, babi, gutom na nga 'ko eh." reply ko sa boyfriend ko.
"Aishh ba't hindi mo agad sinabi sa'kin?"
"Eh sa ayaw kitang abalahin eh. Don't worry about me, don na lang ako kakain sa school. Intindihin mo na lang trabaho mo d'yan, muah!"
Kinikilig kong sinend ang reply ko.
'Ang sweet talaga ng babi ko kahit keeelan!'
Naagaw ng dalawang pasaherong magjowa ang atensiyon ko nang magsubuan sila ng chocolates sa harap ko.
'Tss,' Napairap ako at binaling na lang ang tingin ko sa bintana ng jeep.
Mabuti at nakaalis na din kami sa pagkaka-ipit sa traffic.
Tiningnan ko ang mga pasaherong nagtataka nang huminto ang jeep sa isang tabi.
Lahat kami ay nasa gwapong drayber ng jeep nakatuon ang mga mata, naghihintay ng paliwanag.
Kumindat s'ya sa'kin at nagsalita.
"Okay, dito muna kayo. Kakain muna kami ng babi ko kasi 'di pa s'ya nakakapaglunch, ayaw kong nagugutom s'ya."
'Wow ang sweet naman ng drayber na'to.'
Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga pasahero. May iba pang nagreklamo.Bumaling sa'kin ang drayber.
"Babi, baba ka na d'yan, kain na tayo sa
Jollibee, diba paborito mo doon?" aniya."Okay, babi."
Nakangiti kong sagot at excited na bumaba ng jeep niya, naiwan ang mga pasaherong bakas ang gulat sa mukha.