Reporting namin that day at bawat isa sa grupo namin ay may kanya-kanyang topic. Pinaghandaan ko talaga yung araw na 'yon lalo't strict yung teacher namin sa subj na 'yon at ayokong mapahiya.
"And that's all. May hindi ba kayo naintindihan sa report ko? If you have any questions in your mind, feel free to ask me and I will answer it." sabi ko sa mga kaklase ko tas nakahinga na ako ng maluwag kasi tapos na din.
Potangina akala ko wala nang magtatanong pero biglang umepal 'tong top 1 namin na lalake.
"Ako may tanong ako." sabi nung top 1 tas tumayo s'ya.
Huminga ako nang malalim mga dai kasi matalino 'yan at baka paulanan ako ng tanong.
"What is it, Mr. Acejo?" taas noo kong 'yang sinabi HAHAHAHA kunwari kalmado.
"Why did you leave me?" seryoso niyang tanong tas nakatingin sa mga mata ko.
"WOAHHH"
"MYGHAD! YARI KA!"
"AWWE"Oh potangina diba? Walang kinalaman yung tanong niya sa report ko tas potangina din ng mga kaklase ko lakas magreact.
'gago ano isasagot ko?!!'
Tiningnan ko si ma'am nasa gilid lang s'ya, nakatingin sa'min. Potek hindi ba s'ya tututol sa walang kwentang tanong ni Acejo?!!!
"Ma'am—" pinutol ni ma'am yung sasabihin ko.
"Bakit ka nga ba nakapagbreak sa anak ko, Ms. Del Rosario?" pota nakataas kilay sa'kin ni ma'am, kinakabahan na ako.
Di ko alam ang isasagot ko, naiiyak na ako.
"Sorry, ma'am and Mr. Acejo but I don't entertain questions that are not related to my report. Excuse me." nagmamadali akong lumabas ng classroom tas dumiretso ako sa cr.
Umiyak ako nang umiyak doon.
'OO, MAMA NIYA YUNG TEACHER NAMIN SA PHILO AT KAYA AKO NAKIPAGBREAK KASI LAGI AKONG PINAG-IINITAN NI MA'AM ACEJO! IKAW BA NAMAN LAGING TAWAGIN SA RECITATION AT PAULANAN NG MGA TANONG TAS PAG HINDI MO NASAGOT, PASIMPLE KANG IINSULTUHIN?! MAHAL KO S'YA SOBRA PERO POTA MALI ANG MAGJOWA NG ANAK NG TEACHER TAS PAREHO NIYO PANG TEACHER 'YON!'