UUUU

1 0 0
                                    

"Sandy, parating na ang mommy mo susunduin ka daw ulit dito, kasama daw yung dad mo para sure sila na makuha ka nila ngayon." seryosong balita sa'kin ni Kyle.

Naluluha akong niyakap s'ya. "Babe, ayokong sumama sa kanila. Hindi ko na kayang malayo pa ulit sa'yo."

Hinaplos nya ako at hinalikan ang noo ko.

"Bakit kasi hindi na lang nila tayo hayaang magsama at maging masaya? Kailangan ba talagang laging may hadlang sa isang relasyon?" malalim s'yang bumuntong hininga.

"Sandy, nandito na ang mommy at daddy mo."

Napahiwalay kami sa yakap at tumingin kay tito. Sa likod niya ay naroon sila daddy at mommy.

"Sandy anak, sumama ka na sa amin ng mom mo, miss ka na namin." pakikiusap ni daddy.

"Ayoko po daddy please hayaan niyo na lang po ako dito kanila Kyle. Masaya ako pag kasama ko s'ya."

Paliwanag ko. Napatingin ako kay mommy nang s'ya naman ang magsalita.

"Hoy lokaret kang bata ka!  Sumama ka na sa amin at marami ka pang assignment sa bahay. Hindi mo pa nga nakakabisado ang multiplication table kaya halika na't umuwi na tayo."

Wala akong nagawa nang hilahin ako ni mommy palapit sa kanila.

"Magpaalam ka na kay ninong mo at kay Kyle. Ilang araw ka na ding nandito't nagpapasaway."

Naiiyak akong nagpaalam sa kanila.

"Babye, ninong. Babye, Kyle, babalik ako, okay?"

"Okay, hihintayin kita. I love you, Sandy."

"I love you too, Kyle."

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon