YELO

7 1 0
                                    

"M-Mika, sorry na. H-Hindi na n-namin uulitin."

Natatawa ako sa pagmumuka niya. Nawawala ang mayabang na Karl. Takot na takot at nanginginig ang Karl na kaharap ko ngayon.

"Hindi na talaga mauulit kase ito na ang huling oras mo dito sa mundo. Ang mga kaibigan mo? Wala na sila. I already killed them all, ikaw na lang ang kulang." Nakangisi kong usal habang dahan-dahang humahakbang palapit sa kanya. I can see fear in his eyes.

'Hahaha ang epic ng muka mo ngayon, Karl.'

Pinaglaruan ko ang talim ng kutsilyo kaya lalong lumakas ang pagmamakaawa niya.

'Sorry, Karl but it's too late.'

I hold it tight and stab his neck without any hesitation. Binunot ko ang kutsilyo at tinarak naman ito sa mata niya.

Napangiti ako nang makita kong lumubog ang kaliwa niyang mata. Biglang nagflashback sa isipan ko ang mga pinaggagawa nila sa'kin.

Lalo akong nang-gigil kaya hinugot ko ang kutsilyo mula sa pagkakabaon nito sa mata niya at pinagsasaksak ang dibdib niya ng walang tigil. Hindi ako huminto kahit nagtatalsikan na ang mga dugo niya sa damit at mukha ko.

'Naging mabait ako sa inyo! Pero wala kayong ginawa kundi abusuhin ang kabutihan ko!'

"Hoy, Mika. Tama na yan. Durog na durog na ang yelo oh, mapapakinabangan pa ba yan?"

Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni mama.

"H-Ha? Sorry ma."

Napatingin ako sa kutsilyong hawak ko at sa damit na suot ko. Walang dugo pero  malamig ang damit ko at basang-basa.

Tumuon ang mata ko sa yelo'ng nasa harapan ko. Durog na durog ito at halos tunaw na rin.

'Tss, yelo lang pala.'

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon