"INTERSUBJECTIVITY" nagmamadaling bulong ko sa ka-grupo kong nasa pinakadulo ng pila.
Agad niyang ipinasa sa ka-grupo din naming nasa unahan niya ang message at mabilis naman itong nakarating sa unahan.
Naalarma ako nang makitang halos sabay lang na nai-sulat ng group 3 at ng grupo ko ang sagot sa whiteboard.
"Another 2 points for group 2"anunsyo ni Sir na nakapagpatayo sa akin.
'Tangna! ipaglalaban ko 'yon kasi konti pa lang points namin grrRrr!'
"Sir, ba't sa kanila napunta ang points, eh kami ang nauna?" reklamo ko habang nakatingin nang masama kay Luke, lider ng group 2.
"What? Anong kayo, eh kami ang nauna? Kahit itanong mo pa sa group 3 at 4," ani ni Luke.
Nainis ako dahil sumang-ayon sa kanya ang mga kabilang group."Kami nga sabi ang nauna eh! Kaya lang sila sumasang-ayon kasi crush ka nila," asik ko na nakapagpa-ingay sa room kasi nakisali na din ang iba.
Oo, gwapo naman talaga si Luke at matalino pa kaya madami ang nagkakagusto sa gunggong na 'yon.
Nagtuloy-tuloy ang bangayan namin ni Luke kaya hindi ko na napigilan ang ma-mersonal.
'Ayaw mong magpatalo ah, karjak ka sa'kin ngayon!'
"Wow, ayaw talaga magpatalo, ang galing mo makipaglaban para lang sa points ng grupo niyo pero yung relasyon natin noon, sinukuan mo agad."
Natahimik ang silid maging si sir, alam nila ang nakaraan namin.
Nakakaloko ang tingin ko sa kanya. Agad namang lumambot ang kaniyang ekspresyon tsaka nagsalita,
"Why waste time to fight when you're already inlove with someone? And worst, ay sa kaibigan ko pa," ani niya, mapait ang tono ng pananalita.
"MYGHAD, LUKE! KAHIT KELAN AY WALANG NAMAGITAN SA AMIN NG KAIBIGAN MO AT LALONG HINDI AKO NA-INLOVE SA KANIYA!" asik ko.
"You didn't even ask for a chance to explain your side, so what do you expect me to think?" kalmado niyang turan.
"EWAN KO SA'YO! WALA KANG TIWALA SA'KIN KAYA GANYAN ANG INIISIP MO! SABAGAY, PAANO KA MAGKAKAROON NG TIWALA SA'KIN EH HINDI MO NAMAN AKO MINAHAL!" galit kong sigaw.
'Gusto ko nang matapos 'to, kaasar!'
Madilim ang tingin niya sa'kin bago nag-umpisang nagsalita nang pa-sigaw din.Tinakpan ko ang tenga ko at nagmake face sa kanya para lalo s'yang mainis pero natigilan ako sa huling sinabi niya...
"—MINAHAL KITA AT MAHAL PA DIN KITA HANGGANG NGAYON!"
Nakatulala ako sa kanya, hindi makapaniwala.
"I love you, Veron. It's always you." puno ng sinseridad niyang usal, nakatingin nang diretso sa mata ko.
Pinipigilan kong ngumiti kanina pero ngayon halos mapupunit na ang labi ko sa laki ng ngiti.
"Ok, I love you, too, Luke," sagot ko at tska tinakpan ng notebook ang mukha ko.
'ANG HAHAROT NIYO!'
'COMEBACK! COMEBACK!'
'ANG RUPOK MO, VERON!'
Hiyawan ng mga kaklase ko.
'Eeeeeh kinikilig ako, starlaaa!'