VALENTINES DAY

1 0 0
                                    

Pagpasok ko sa canteen ay puro mga couples na nagbibigayan ng bulaklak at chocolates ang nakikita ko kaya lalo akong nabibitter. Hustisya naman kasi sa aming mga single diba?

Kakatingin ko sa paligid ay nakita ng magaganda kong mata si Jack. Crush ko mga te! Taga-kabilang section, gwapo sya mga cyst peksman.

Problemado ang mukhang linga-linga s'ya sa paligid habang titig na titig naman sa kanya ang mga estudyante. Hinahanap siguro ako nito hahahaha assuming lang self? Maya-maya'y napadpad ang tingin niya sa'kin
WAAAAAH punyemas nginitian ako mga behhh!

"SANA OLLLLL MYGHAD!"

"Sana all"

"Ang dami naman, sana all"

"Sana ol may jowa"

Napatakip ako ng tenga pagpasok ko sa room dahil sa potangenang sana ol 'yan. Kanina pa akong umaga purgang-purga sa sana ol na 'yan. Pero sana ol nga talaga. Yung kaklase kasi namin na seatmate ko, binigyan ng chocolates, roses, at explosion box ng jowa niya. Oh diba sana ol may jowa.

Kinalabit ako ng kaibigan kong bakla na si Jerry.

"Cyst, inggit ka nanaman HAHAHAHAHA harutin mo na kasi nang bonggang-bongga yung crush mong si Jack para maging kayo na." tukoy ni Jerry sa crush ko na taga-kabilang section lang.

"Tru jusq ambagal mo kasi kumilos baka kung ako 'yan, dalawang araw pa lang jowa ko na agad 'yan." panggagatong pa ng isa kong kaibigan na si Ella.

Inirapan ko sila ng 360°.

"H'wag nga kayong atat, magiging kami din maghintay lang kayo."

"Hala anong ginagawa niya dito?"

"Waaa may jowa ba s'ya dito?"

"Ang pagkakaalam ko ay single 'yan"

Umugong ang bulungan kaya napalingon kami sa pinto para tingnan kung sino ang nandoon at—

"Cyst! Si Jack!!!" tili ni Jerry at agad kong tinakpan ng notebook ang mukha ko.

"Excuse me, where is Cecilia?" pagtatanong ni Jack.

'Nahihiya ako shet anong kelangan nya sakin?!!'

"ITO SI CECILIA OH!" napamura ako nang ituro ako ni Jerry.

Lalong lumakas ang bulungan nang lumapit sa pwesto ko si Jack. Gwapo niya talagaaa! Ang isa niyang kamay ay nasa likod niya, mukhang may tinatago sya.

"Cecilia, tara sa labas. Mabilis lang."

Wala akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin. Nagtilian ang mga kaklase ko lalo na si Jerry at Ella.

'Babye classmates, I'm getting married'

"GO, CYST! MAGKAKAJOWA KA NA!!"  rinig kong sigaw ni Jerry kaya naman nilingon ko sya at kinindatan.

Dinala ako ni Jack sa may hagdanan. Napatakip ako ng bibig nang ilahad niya sa'kin ang kamay niyang may hawak na rosas. Shet tama nga ako na rosas yung tinatago niya kanina sa likod niya.

'This is the best valentines day ever! Akalain mo yon? Yung crush ko bibigyan akong bulaklak'

Patulo na ang luha ko nang bigla s'yang nagsalita.

"Bente na lang para sayo, Cecilia. Pamasahi ko lang pauwi. Aishh ba't pa kasi nawala yung wallet ko." kakamot-kamot sa ulong sabi niya.

Napanganga ako.

'Potangina'

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon