"WAAAAA! GO LEO!!!" patili kong cheer sa crush ko nang maka-tres s'ya.
Nanlaki naman ang mga mata ko nung lumingon s'ya at kinindatan ako.
'waaah ampogiii!"
Kinilig ako doon pero hindi ako nagpatalo, nag flying kiss ako sa kanya at nagdrawing pa ng puso sa hangin gamit ang dalawang hintuturo ko. Tumawa s'ya saka nagpatuloy ulit sa paglalaro ng basketball.
"Ang haharot niyo!"
Napa-Aray ako sabay nguso sa kaibigan kong si Dianne nang batukan niya ako.
"Ang epal mo! Panira ka talaga eh!" sigaw ko sa kanya at ginantihan siya ng hampas.
Hindi ko na s'ya pinansin at pinanood nalang ulit ang laro ni Leo. Kaklase namin si Leo at kababata ko rin. Madaming nagkaka-crush sa kanya, syempre MVP yan at matalino pa. Sweet yan at mahilig bumanat hehe feel ko nga crush niya din ako eh yiii feeling ko lang naman pero feel ko talaga meron.
"I-SHOOT MO ULIT, BABY LEO, UGHH"
'Tangina! Ang landi ah'
Napatingin ako sa sumigaw na babae, tumingin din s'ya sa'kin and what she did just shocked me, inarapan niya lang naman ako. Well, palaban 'to kaya umirap din ako sa kanya, 360 degree.
'Kala mo ah!'
Hindi na s'ya gumanti kaya tumutok na lang din ako sa panonood.
"OMG! Natumba si Leo!"
"Amp nakakainis naman yung bumangga sa kanya!"
Umingay at nataranta ang mga nanonood nang aksidenteng natumba si Leo dahil nagkabanggaan sila ng isa nilang kalaban. Nakita kong namilipit s'ya sa sakit habang nakahiga sa floor ng court.
Nagdalawang isip pa akong lapitan s'ya pero sa huli ay tumuloy na'ko lalo't walang dumadating na medic.
"Ahhh a-ayoko na!" daing ni Leo.
"Oyy Leo, okay ka lang? saan ang masakit? Saan?"
Natataranta kong pinunasan ang pawis sa noo niya. Nakapikit s'ya nang mariin at kagat niya pa ang labi niya.
"Hoy saan nga kasi ang masakit?! Ano ba yan wala bang lalapit na medic?! Mamamatay na'to oh!" galit akong lumingon sa paligid, wala talagang medic at tanging mga ka-team mates lang ni Leo ang naroon, nakatingin sa amin.
"Ahh, Xeyla, ayoko na," daing niya ulit.
"Hoy? Anong ayoko na? Hindi ka pwedeng sumuko, dadalhin ka namin sa Hospital," saad ko, nakalapit ang mukha ko sa kanya, puno ng pag-aalala.
*TSUP*
"Ayoko nang mawala ka"
Nakangiti niya 'yong sinabi pagkatapos niya akong halikan nang mabilis sa labi.
Naghiwayan ang mga ka-team mates niya. Napatingin naman ako ng masama sa kanya, nakangiti na s'ya nang nakakaloko sa'kin ngayon.
"Gago!" singhal ko sa kanya sabay suntok sa dibdib niya nang makatayo kami.
Kinikilig ako pero pinakaba niya ako, potek!
"HAHAHAHA ang OA mo, nabangga lang, Hospital agad." natatawa niyang sabi.
Sinamaan ko lang s'ya ng tingin pagkatapos ay bumalik na sa kina-uupuan ko habang kinikilig akong hinawakan ang labi ko.
'Masharap'