I LOVE YOU, SIR PETER

5 0 0
                                    

I was in 11th grade when I met you. 17 y/o ako while you're 22. Teacher ka namin sa General Math, lagi ngang kinikilig mga kaklase ko pag magtuturo kana eh. Halos lahat sila naa-attract sa'yo, ako lang yata ang walang interes hahaha. "Hoy Lianne, nakatingin nanaman sa'yo si sir oh," yan ang lagi kong naririnig sa mga katabi ko tuwing time mo na. Lagi ka naman talagang nakatingin sa'kin, hindi ko na nga lang pinapansin kahit madalas kitang nahuhuli.

Pasahan ng portfolio sa'yo at kamalas-malasang hindi ko nadala yung sa'kin kaya kinagabihan chinat kita at doon ako nagulat kasi in-add mo pala ako, hindi ko napansin.

"Nai-record ko na ang  portfolio niyo, pasahan na ng grades on Monday. Kung gusto mong ma-check ko ang portfolio mo, pumunta ka bukas sa ifo-forward kong address. Meet me there." yan ang reply mo.

Dahil no choice ako, pumunta ako kinabukasan sa nasabing lugar kahit pa medyo may kalayuan sa'min. Ang simpleng pagkikita para sa portfolio ay nauwi sa kuwentuhan at tawanan, paano ba naman kasi, uuwi na dapat ako matapos kong ibigay yung portfolio ko kaso nagpumilit kang kumain sa labas. Titig na titig ako sa'yo habang tuloy-tuloy ang kuwento mo hahaha ang daldal mo pala, sir, gwapo din at the same time.

Hapon na ako nakauwi, hinatid mo pa ako gamit ang motor mo. Akala ko 'yun na ang huling makakasama kita pero nasundan pa, lagi mo na akong niyayayang lumabas tuwing weekend, pinapaalam mo pa ako sa tita kong wala namang pake sa'kin.

Tuwing tapos kana magdiscuss tatawagin mo ang surname ko para lang tanungin kong nagets ko ba ang lesson, inaasar tuloy tayo ng mga kaklase ko lalo't lagi mo akong pinapasagot kapag recitation. Madalas na tayong magkachat, kinuha mo pa nga ang number ko at tinext mo ako kaso hindi naman ako nagpapaload kaya tinawagan mo ako, ewan ko pero ang saya ko pag kausap kita, ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa'yo.

At dumating na nga ang inaasahan ko, umamin ka na gusto mo 'ko and you asked me if you can court me. Ang dami kong tanong; ba't ako pa? Maraming babae d'yan na maganda at hindi nalalayo ang edad sa'yo, hindi ka ba natatakot na mawalan ka ng lisensya bilang guro?

"Hindi ako takot mawalan ng lisensya at kahit anong oras ay kaya kong talikuran ang pagiging guro ko para sa'yo." natuwa ako sa sinabi mong yan pero nababagabag ako sa sasabihin ng mga tao.

After 5 months sinagot na kita. Hatid sundo mo ako. Tuwing uwian hihintayin mo ako sa tagong lugar, nag-iingat upang walang makakita sa atin. Lalo kang naging sweet, tinutulungan mo ako sa school works ko at tinutulungan naman kitang gumawa ng visuals sa apartment mo. Madami na rin tayong nalalaman tungkol sa isa't isa gaya ng piloto talaga ang pangarap mo dati pero ayaw ng mama mo kasi gusto niyang maging teacher ka. Alam mong sumakabilang buhay na si papa at si mama naman ay may bagong pamilya na, kaya kay tita ako ngayon nakatira, tita kong hindi naman pamangkin ang turing sa'kin.

18th birthday ko pero as usual walang ganap, matagal naman na akong sanay. I don't have any idea kung alam mo bang birthday ko pero nalungkot ako nang sobra matapos mo akong ihatid sa bahay, maaga naman kas ang uwian pero hindi mo man lang ako niyayang lumabas. Akala ko matatapos nang ganun ang araw ko pero nabuhayan ako nang mabasa ko text mo. Pinapapunta mo ako sa apartment mo kaya nagmamadali naman akong bumyahe.

Patay ang ilaw sa loob ng bahay mo. Nasa pintuan pa lang ako, may nadinig na akong tipa ng gitara. Napaiyak na lang ako pagpasok sa loob, kinakanta mo yung best part habang tumutugtog ka ng gitara. Napakaganda ng ayos ng lamesang kinalalagyan ng pagkain at may kandila pa. Alam mo bang ngayon ko lang naramdaman na may taong nagpapahalaga sa'kin?

"Happy 18th birthday, my love"

Binati mo ako, binigyan ng bulaklak, regalo at sumayaw tayo. Inaasar mo ako kasi tuloy-tuloy yung luha ko, pano ba naman kasi ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naranasan 'to.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon