Lumabas ako nang bahay na gulo-gulo ang buhok at walang ligo dahil hinatid ko sa sakayan ng jeep ang kaibigan kong bumisita sa bahay.
'pot3k mukha talaga akong gusgusing mabaho ngayon!'
Pabalik na ako nang makasalubong ko si Dylan sa daan, kapitbahay namin na crush ko.
'WAAAA WRONG TIMING NAMAN! KUNG KELAN MUKHA AKONG BASURERA!'
Huminto ako sa harap niya at binati siya. Hindi alintana kung anuman ang mukha ko ngayon.
"Hi, dylan!" ngiting-ngiti kong bati.
Huminto din siya at nginitian ako.
'homaygas! Ang bait talaga ng crush ko!'
Bigla akong nahiya nang suriin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
'shocks baka ma-turn off s'ya sa'kinnnn!'
Ngumisi siya at nagsalita,
"Mukha kang—"
Pinutol ko ang sasabihin niya at ako na mismo ang tumapos dahil alam ko na ang banat na 'yon.
"nanay ng magiging anak mo?" mala-demonyo akong ngumiti sa kanya tsaka nagsalita ulit.
"Okay lang, handa naman akong maging nanay sa mga anak mo."
"Mukha kang labandera. 'Yon ang gusto kong sabihin. Pinangungunahan mo naman kasi agad pfft HAHAHA" natatawa s'yang tumalikod at umalis na habang naiwan akong nakatulala.
'TANGINANG LABANDERA YAN!'