KUYA, ITLOG MO NAIWAN

5 1 0
                                    


"Oh bat nandyan ka?" Napalingon ako sa nagsalita. Si mama lang pala. Kauuwi lang niya galing trabaho.
"Ako nagbabantay ng tindahan, umalis si ate Liza eh, pinacheck up sa rence." sagot ko. Kapitbahay lang namin si ate Liza, madalas syang umaalis at ako o di kaya ang ate ko ang pinag-iiwanan niya ng tindahan.
"Ano oras pumasok ate mo?"
"3pm. Ito susi oh, walang tao sa bahay ma." Inabot niya naman ang susi at umakyat na.
Tinodo ko ulit ang volume ng TV at tinuloy ang panunuod ng leroy leroy sinta sa cinemo.
"Pabili."
"HAHAHAHAHA" di ko mapigilan ang tawa ko dahil sa pinapanood ko. Gustong gusto ko talaga ang mga sinaunang palabas na comedy.
"Pabili!"
Muntikan na kong mahulog sa upuan dahil sa gulat sa sumigaw. Tssk sino ba tong lalaking to, at kung makasigaw parang lasinggero sa kanto.
"Ano ho bang bibilhin niyo senior at kelangan niyong manigaw?" Sarkastiko kong tanong tsaka tumayo. Wow ito pala yung bagong lipat jan sa may kabilang bahay. Infairness, gwapo na sa malayuan, mas lalong gwapo sa malapitan. Pero ekis ka sa'king unggoy ka, ayoko sa suplado ulul.
"2 century tuna, 5 tomatoes and 2 eggs." nakapokerface niyang sagot.
"Sa susunod, pag nagbabantay ka ng tindahan hwag mong palakasan yung volume ng TV." Pahabol niya pa pero di ko sya pinansin.
Inabot ko sa kanya ang mga binili niya at kinuha ang bayad. Nang maibigay ko ang sukli ay agad syang umalis. Huli ko na napagtanto na hindi ko pala naibigay ang 2 itlog na binili niya.
Nagmamadali akong lumabas at hinabol sya ng nakapaa.
"Hoy kuya, itlog mo naiwan!"
Kunot noo syang lumingon sa'kin. Tangina bat parang mali yung sinabi ko?
"Lemme correct you , it's 'naiwan mo ang itlog na binili mo' not 'itlog mo naiwan' kase yung ITLOG ko nandito pa nakakabit. Nakakahiya sa mga kapitbahay." Kinuha niya sa kamay ko ang itlog at tumalikod na samantalang naiwan akong tulala. Tama nga naman sinabi niya, hutaAa nakakahiyaaaa!

*yawns* naantok na ako, wala pa rin si ate liza. Ako na naman ang tindera ngayon dahil umalis ulit yung may-ari.
"Hi, pabili."
"Ayy itlog mo." Nagulat ako sa nagsalita.
"Nandito nakakabit."
"Hindi ko tinatanong. Ano ba bibilhin mo?" Pagtataray ko.
"Hahaha chill. 2 greatest white twin pack."
Himala ang bait niya yata ngayon? Hmm bagay sa kanya. Ang gwapo niya homaygas!
"Ito oh" abot ko sa kape at inabot niya rin ang bayad.
"Hmm Angelo nga pala. Sorry kung nasungitan kita nung una."
Ano ba ito baka ligawan na ako nito sa susunod waaa bat hindi nalang ngayon.
"Eva nga pala, ang mag-i-eva ng mundo mo hehehe."
Natatawa siyang nakipagshakehands sa'kin.
Pangiti-ngiti akong hinawakan ang kamay ko at inamoy-amoy. Feel ko nandito pa rin ang amoy ng kamay ni Angelo yiEee.
"Eva, may naiwan pala ako." Biglang sulpot ni Angelo sa harap ng tindahan.
Hala parang alam ko na yung banat na yan ah? Siguro sasabihin niyang 'naiwan ko puso ko' sabi ko na nga bat magkakagusto to sa'kin eh.
"Naiwan mo puso mo? Alam mo Angelo, hindi mo naman kelangan bumanat eh. Bukod sa alam ko na yan, papayagan naman kitang ligawan ako, gusto mo ngayon na kita sagutin eh." Kinikilig kong sabi.
"Ah hindi yung puso ko yung naiwan."
"Ha? Eh ano?"
"Yung sukli ko."

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon