I have a boyfriend. Lyle is the name. Masasabi kong full package na s'ya at faithful pa. Ang daming babaeng naiinggit sa'kin actually, bukod kasi sa gwapo at matalino, ay hindi ko pa nahuhuling nagloko sa'kin 'yon, o baka naman expert lang sa pagtatago?
That's why I decided to prank him.
In-add ko s'ya sa facebook gamit ang account na hiniram ko sa second cousin kong tourism na maganda at famous. Hindi niya kilala ang pinsan ko na 'yon dahil nasa Pampanga yon at hindi niya pa namimeet.Napa-wow na lang ako nang i-accept niya agad ang friend request.
Me: Hi, handsome!
Pagkasend ko ng message ay parang kinakabahan ako na ewan.
Lyle: Hello!
'wow ang bilis magreply ni kumag!'
Me: Pwede ba tayong magmeet? You know, let's have some fun! 😉
Tatawa-tawa ako sa message na si-nend ko.
'Hehehe tingnan natin kung kakagat.'Lyle: Sorry, Miss, but I love my girlfriend and she trusts me a lot. I wont do things that will cause us to fight. Sorry, again.
Napatili ako sa reply niya at nagtatalon sa kama.
'OMGGGG! ANG FAITHFUL NG BF KOOOO! HE REALLY LOVES ME THAT MUCH, HUH?'
So girls out there, get yourself a man like Lyle but not my Lyle.
Habang kagat-kagat ang unan ay napagpasiyahan ko nang sabihin na prank lang iyon kaso mas nauna ko pang tingnan ang message request sa account ng pinsan ko.
Dominick Barcelon: Hi! It's me, Lyle. This is my dummy account. Where do you want us to meet and when? Send me the location, Miss, I'm always available😉
"TANGINAMO!" malakas kong mura dahil sa nabasa ko at agad na inihagis ang phone ko.