"manong, para po." Nakatingin lamang ako sa mga estudyanteng may kaparehas na uniporme sa akin nang magsitayuan sila para bumaba ng jeep.
Nang makababa na sila ay tsaka ko binitbit ang bag para bumaba na din ngunit bago pa ako tuluyang makababa ay tinawag ako ng drayber.
"Ineng, gisingin mo iyang skulmeyt mo't baka kung saan saan yan makarating pag hinayaan ko syang matulog lang dyan."
Nilingon ko ang drayber at bahagya nyang sinulyapan ang ka-schoolmate kong mahimbing na natutulog sa pinakadulong upuan ng jeep.
Wala akong nagawa kundi ang lapitan sya at gisingin.
"psst, gising huy" kunot noo kong niyugyog ang braso nya pero di man lang sya gumalaw.
Nakailang yugyog ako sa kanya at pati ang katabi nyang babaeng pasahero na halatang may paghanga sa mga mata ay pasimple din syang kinakalabit para tulungan akong gisingin sya ngunit bigo kami.
'Potek malelate talaga ako dahil sa kumag na 'to eh!'
"huy kupal gumising ka sabi eh" napapatid ang pasensya kong sigaw at sinampal sya ng malakas sa pisngi.
Agad na nagmarka sa pisngi nya ang palad ko.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang unti-unting magmulat ang nanlilisik nyang mga mata at nagtama ang paningin namin.
"how dare you?" he muttered in a hoarse voice while looking at me with a dark face.
Hindi naman ako nagsayang ng oras at dali-daling bumaba ng jeep at kumaripas ng takbo papasok sa gate ng school.
Nasa loob na ako ng room ngayon. Naka-upo at naghahabol ng hininga, sinulyapan ko ang glass ng pinto at agad ding napayuko sa desk nang makita kung sino any nakasilip doon.
'Tanginaa! Sana naman hindi nya ako nakita.'
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala na nga sya sa pinto.
Nagfacebook na lamang ako habang hinihintay yung teacher namin sa Philosophy which is our first subject. Nakaka-ilang scroll pa lang ako nang umingay ang paligid gawa ng bulongan ng mga kaklase ko.
'hala bat nandito sya? sino pinuntahan niya ditooo?'
'girls, nanjan si danrick!!! ackkk ang gwapo niyaaa, sinusundo yata ako!'
'omg sino lalapitan niya?!'
Ililibot ko na sana ang mata ko sa loob ng classroom para alamin kung sino ba ang nariyan at ganun na lang ang bulungan nila nang may biglang humablot sa braso ko dahilan para mapa-aray ako.
"bitawan mo 'ko ano ba!" Sigaw ko sabay tingin sa may-ari ng kamay na nakahawak sa braso ko.
Laking gulat ko nang makumpirmang sya ang sinampal ko kanina.
"come with me" singlamig ng yelong usal nito.
Kinakabahang tumingin ako sa kanyang mata. Wala itong emosyon.
Lahat ng mata ng mga kaklase ko ay sa amin nakatuon.
"Mr. Danrick Evardone! Why are you here? This is not your classroom. At anong sadya mo kay, Ms. Mevion?"
Dahan-dahang binitiwan ni Danrick ang braso ko at nakangising humarap kay Ma'am Flores.
"Uhm sorry, LQ lang kami, ma'am, I want to fix it immediately so it wont bother me in the middle of my class that's why I'm here."
Nanlaki ang mga mata ko sinabi ng kumag na danrick pero nakangisi lang ito sa'kin.
"Uh I see. You can talk to her outside now. I-excuse ko nalang sya."
Mas lalo akong nagulat sa sagot ni ma'am.
'Pakingteyp ka din, ma'am eh!!! Baka parusahan ako nito sa labas eh!'
"You heard that? Tara ayusin na natin 'to, mevion." bahagya pa akong napa-atras nang akbayan ako ni Danrick at igiya palabas ng room.
Nilingon ko si Ma'am Flores at kininditan niya lang ako.
'Potek! Goodluck nalang sa'yo, mevion.'