"Sige. Laptop ko na lang gamitin natin, dadalhin ko na agad bukas." sabi ng ka-partner ko sa research na si Philip.
"Maganda yon para maaga natin maumpisa—" naputol ang pag-uusapn namin nang biglang pumasok ang teacher namin sa stats.
"Good morning, class" malamig na bati ni Sir Art.
Inikot niya ang paningin niya at agad na kumabog ang dibdib ko nang magpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Philip.
"Ms. Mendez, can we talk?" madilim ang tingin niyang tanong sa'kin.
'Pota sir ano nanaman problema mo!'
"Bakit?!—I mean y-yes Sir."
"Yari ka, Arianne" pang-aasar ng mga kaklase ko.
Hindi ko na sila pinansin at agad ko nalang sinundan si Sir na lumabas na ng classroom.
"Ano na naman ba kasi 'yon?!" irita kong tanong sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bakit kayo magkatabi ni Evardone?"
"Baliw ka ba? Malamang s'ya yung kapartner ko sa research namin! Tska hindi ako pipili ng tatamad-tamad kaya s'ya pinili ko Alam mo namang mahina ako sa English."
"Anong title ng research niyo? Send mo sa'kin ako na gagawa, h'wag ka nang makipag partner sa kanya, nagseselos ako okay?" seryoso niyang paliwanag sa'kin tska tumalikod pabalik ng classroom.
Napangiti ako sa kilig.
"WAAAAH ANG CUTE MAGSELOS NG BOYFRIEND KO!!!"