Iginala ko nalang paningin sa loob ng puregold habang hinihintay ko si mama dito sa isang tabi. May nakalimutan daw ilagay sa pushcart namin kaya siya bumalik.
Nahagip ng mata ako ang pamilyar na pigura ng lalake. Kunot-noo ko siyang tinitigan para ma-kompirma kong s'ya nga ito.
'Myghad! S'ya nga!'
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang—DIAPER?! At dalawang pack pa talaga. Palihim akong tumawa sa isip ko HAHAHAHA I can't believe na ang kinababaliwang soccer player ng mga babae sa school ay bumibili ng diaper ngayon!
Sinundan ko s'ya ng tingin nang magtungo s'ya sa counter para bayaran ang binili niya. Kakamot-kamot ang ulo na binayaran niya ang diaper, halatang nahihiya lalo't may mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin sa kaniya.
'Ang gwapo niya kasi'
—
"Guys, bagay ba sa'kin 'to? Yan ang balak kong suotin sa aquaintance."
Ipinakita ko sa mga kaibigan ko ang picture ng damit. Busy sila sa pagkain, nasa canteen kasi kami ngayon.
"Hindi bagay sayo because you're flatchested," ani ng isang boses.
Dinig ko din ang tawanan ng kalalakihan kaya taas-kilay akong napatingin sa kung sinuman ang nagsalita.
'Halaa si Lance!!!'
Nasa kabilang table pala sila kumakain.
'Bwiset ka, crush pa naman kita, Lance!'
Napangisi ako bigla sa naalala ko kahapon. Flatchested pala ah?
"Wow! Kung maka-flatchested ka, parang di ka naman bumili ng diaper na dalawang pack kahapon," mapang-asar kong ganti.
"Pfft! Diaper, pre?! Seriously, anong gagawin mo don?"
"HAHAHAHA"
Sabay-sabay nagtawanan ang mga kaklase niya pati na din ang mga kaibigan ko. Halata namang naasar si Lance kaya dinugtungan ko pa.
"Nagtatae yata s'ya kaya niya binili 'yon," dagdag ko na lalong ikinatawa namin.
Napatigil ako sa pagtawa nang tumayo si Lance at yumuko sa harap ko, itinapat sa akin ang mukha niya.
'Waah! Hahalikan niya ba ako?!!'
"Bakit, Ashley, big deal ba 'yon? Bibili ka din naman n'on pag may anak na tayo ah?" paos ang boses na usal niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Napanganga ako.
'SHIT ANG HOT NIYAAA! ASHLEY, PIGILAN MO KAHRUTAN MO AH!'
"ANUBA! PERENG TENGE NEMEN! KAILAN BA KASE 'YON AT EXCITED NA AKO!" maharot kong hinampas nang mahina ang braso niya.
Potek kasasabi ko lang na pigilan ang kaharutan eh grrRrt!
"Hahaha tsaka na pag kasal na tayo. Wala pa tayong pambili ng bigas at gatas. Sa ngayon ay liligawan muna kita." ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko.
'Omg! Dibale nang walang pambili ng bigas at gatas pwede namang mangholdap!'