MOBILE LEGENDS

3 0 0
                                    

"Tara laro tayo pre" basa ko sa chat ng gangmate ko na si Justin.

Kanina pa kami nag-uusap tungkol sa ML at ngayon lang sya nagyaya.

"Sige ba pre. 1v1 ba?" nakangisi kong reply.

'Tingnan lang natin kung mananalo ka.'

"Hindi pre yayain ko mga gangmates natin. Hanap ka na ng kakampi na malalakas kasi may pustahan tayo."

"Pustahan ng pera? Sige ba. Magkano ba sayo?"

"50k pre"

Napanganga ako. Mga bigatin talaga sila at pati din naman ako.

"Sige, 50k din akin."

"H'wag pera ipusta mo pre, marami kami n'yan."

"Eh ano ipupusta ko?" kunot noo kong reply.

"Girlfriend mo pre"

Natigilan ako saglit at napatitig sa babaeng natutulog nang mahimbing sa tabi ko.

'Kaya ko bang ipusta 'tong pinakamamahal kong babae?'

Kaagad akong nagtype para magreply.

"Bat gf ko pa pre? Pili na lang kayo ng babae don sa midas bar, ako na bahala magbayad."

"Eh matagal na naming gustong matikman gf mo eh. Ano game ka ba? O baka naman atras ka na kasi weak ka?"

Doon na napatid ang pasensya ko. Ayoko sa lahat ay minamaliit ako pagdating sa ML.

"Sige, game ako." reply ko. Tingnan natin kung sino sinasabihan mong weak.

Agad akong naghanap ng mga kaibigan na maiinvite ko. Pinili ko yung mga malalakas syempre kahit gago ako ayoko pa rin na malagay sa masama yung girlfriend ko.

Mag-uumpisa na ang game at hindi ko binanggit sa mga kakampi ko yung pustahan, sinabi ko lang na seryosohin nila at kailangan namin manalo.

Nag-umpisa ang game at mukhang mananalo kami ngayon HAHAHAHA babaugin ko sila.

"Our base is undeattack"

Nanginginig ako at pinagpapawisan ng malapot.

"DEFEAT"

Napasambit ako ng malulutong na mura at hinagis ang cellphone. Sinabutan ko ang buhok ko, siguradong tuwang-tuwa ang mga kagangmates ko ngayon pero hindi ko kailanman ipagkakaloob sa kanila ang pinusta ko.


"Oh love, ba't mo ako sinundo? Wala ka na bang klase?" pagtatanong Klare sa'kin pagkapasok niya sa kotse ko.

"M-Meron, love. Don't worry babalik naman agad ako sa school."

"Aww my boyfriend is so sweet. I love you."

"I love you too."

Wala akong pake kahit magkaroon ako ng absences basta ligtas s'ya. After all, kasalanan ko naman kung bakit kailangan ko s'yang bantayan ngayon lalo't alam nila Justin kung saan sya nag-aaral.

Tatlong araw nang bantay-sarado sa akin si Klare at so far wala namang nangyaring masama sa kanya, siguro ay nakalimutan na nila Justin ang pustahang naganap.

Kasalukuyan akong nasa bahay at gumagawa ng plates dahil bukas na ang pasahan nang biglang tumawag ang mga kagangmates ko pero hindi ko sinasagot. Kinakabahan na ako at lalo akong kinabahan nang makareceive ako ng text.

"Pare, wala ka yatang balak ibigay ang pinusta mo? Akala mo ba nakakalimutan na namin? H'wag kang talkshit pare kasi ayan ang ayaw namin dito sa gang. Btw, papunta na kami sa school ng girlfriend mo ngayon."

Nanginginig akong tinawagan si Klare.

"L-Love, ano oras ang uwi mo ngayon?"

"Hi, love. Nasa labas na ako ng school, sorry hindi ko sinabi. Kakain kami ng mga classmates ko sa labas. I love you."

"FUCK BUMALIK KA SA LOOB NG SCHOOL! SUSUNDUIN KITA!"

"B-Bakit?"

"PLEASE KLARE MAKINIG KA SA'KIN, I'LL BE THERE!"

Halos liparin ko na ang daan papunta sa garahe. Nakatanggap ako ng tawag sa pag-aakalang si Klare 'yon pero ang leader pala ng gang namin.

"Pre, inform ka lang namin na nasa kamay na namin ang girlfriend mo. H'wag kang mag-alala makakauwi siya nang buo." naririnig ko sa kabilang linya ang sigaw ni Klare kaya sobra sobra ang takot ko ngayon.

"POTANGINA! MASTER, LARO LANG 'YON H'WAG NIYO TOTOHANIN ANG PUSTAHAN!"

"Ha? Paano ba 'yan na sa amin na s'ya. Dapat kasi hindi mo na tinuloy HAHAHAHA hambog ka din kasi, bata. Ibabalik din naman s'ya agad HAHAHAHA"

Natapos ang tawag at pinagsasapak ko ang manibela ng kotse. Sana lang talaga ay hindi mangyari ang iniisip ko. Sana maibalik sya nang ligtas.

"Pre, maawa kayo 'wag niyong s'yang sasaktan. Ibalik niyo s'ya nang ligtas." huli kong text sa kanila.

Palakad-lakad ako sa loob ng bahay habang puno ng luha ang mga mata ko, pagkatapos ng araw na'to ay magqquit na ako sa gang. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang sa pagring ng phone ko.

"Pare, nabalik na namin ang girlfriend mo—" hindi ko tinapos ang tawag.

"Klare..." usal ko at nagmamadaling lumabas ng bahay. Gusto ko na agad s'yang salubungin ng yakap.

Ngunit wala akong Klare na nakita. Ang tanging nakaagaw ng pansin ko ay ang isang sako na nakasandal sa gate. Nanginginig akong nilapitan 'yon at binuksan at... walang saplot na katawan ni Klare na tadtad ng saksak ang bumungad sa'kin.

"KLAREEEEEEEEE!"

Agad ko s'yang binuhat papasok sa bahay, nagbabakasakaling magising pa s'ya.

Humahagulgol akong niyugyog ang katawan niya pero wala na talaga s'yang buhay. Hindi ko kaya...

"LOVEEEE, GISING PLEASEEEE! LOVE, HINDI KA PA PATAY DIBA?!!!! KLAREEEE!!!"

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon