"Oyy Trisha, dito na lang tayo sakay. Kasya pa daw dalawa."
"Tara sige."
Nagmamadali kaming sumakay ng kaibigan kong si Hazel sa jeep, punuan kasi ngayon lalo na't friday.
Nauna s'yang makaupo sa'kin at unti-unti na akong nagpanic kasi pota wala nang space tih, ano sasabit ako? Muli kong nilibot ang paningin ko at halos mapatalon ako dahil nakita ko 'yung crush kong si Kiro, nakaupo sa bandang dulo ng jeep. Agad ko s'yang nilapitan habang mabagal pa lang ang andar ng jeep.
"Hay naku! Gwapo nga hindi naman gentleman! Kapag ibang lalake yan, malamang sumabit na sila sa labas para maka-upo ang babae." pagpaparinig ko habang nasa harap niya ako tas te tinanggal niya earphone niya sabay tingin sa'kin.
"Ba't pa ako sasabit sa labas kung pwede ka naman kumandong?" nakataas kilay na sagot niya sa'kin tas OMG—
"WAAAAH!" tili ko nang hilahin niya ako paupo sa lap niya.
'MYGAD! NAKAKANDONG AKO NGAYON KAY CRUSH AT— POTA ANO 'YON?! MAY TUMUTUSOK!!!'
"Humawak ka baka masubsob ka." utos ni Kiro.
Namula naman ang pisngi ko sa kilig pero mas lalo akong namula sa kahihiyan nang biglang pumreno nang malakas ang drayber at nasubsob ako sa sahig ng jeep. Dinig ang tawanan ng mga pasahero maging si Kiro ay nagpipigil ng tawa habang tinutulungan akong tumayo.