Kanina pa ako nag-iisip kung aamin na ba ako thru chat. I have this feeling kasi na may gusto din s'ya sa'kin dahil nahahalata ko naman. Ngayon ay buo na isip ko, haharot muna tayo bago umamin *smirks*
:bobo ka ba?
Nakapikit kong pinindot ang send. Nakagat ko ang labi ko nung maseen niya ang message ko waaaah tumatagaktak na pawis ko.
Art Pardilla: Huh?
:bOboO ng bUhAy kHo?
Napatili ako nang iheart react niya yung reply ko.
Art Pardilla: Parang tanga hahaha. Nga pala, ba't napachat ka hmm?
'Heto na ho, it's time to amin amin na.
: Ano kasi. Pwede ba kitang ligawan, Art? Wala akong pake kung hindi gawain ng babae 'yon, gusto talaga kita eh.
Art: really? you will court me? that's cool huh.Nakakakilig pero paano ba 'yan, mahigpit na ipinagbabawal sa mga guro ang makipag-relasyon sa kanilang estudyante? Tska mas mahalaga sa'kin ang lisensya kesa sayo.
Parang pinagbabaril ang puso ko dahil sa reply niya. YES PO OPO, TEACHER KO PO S'YA AT ESTUDYANTE NIYA AKO SO MASAYA NA KAYO HA?!! NA SA TEACHER AKO NAHULOG?!!
Kinumagahan ay nasalubong namin s'ya sa lobby at shet ang gwapo niya mga cyst!!! Bagong gupit!!!Naalala ko nanaman tuloy ang pag-amin ko kagabi aish. Agad s'yang nilapitan ng mga mahaharot kong kaklase na babae at binati tsss. Masama ang tingin na sinulyapan ko sila ng mga kaklase ko pero laking gulat ko nung kindatan niya ako. Hindi ko alam pero inirapan ko sya pota! Tumakbo ako papuntang cr at doon nagsasayaw at nagtatalon sa kilig.
Kasalukuyan s'yang naglelesson ngayon at nakatitig lang ako sa mukha niya habang ang ibang kaklase ko ay pasimpleng kinikilig sa presensya niya.
"Now, Ms. Marijoe Mendez, what is collateral?"
Kumabog agad ang dibdib ko pagkatawag sa buong pangalan ko pa talaga.
'Ha? anong collateral? Nakakain ba 'yon?'
Tumayo ako at ngumiwi sa kanya.
"I don't know, Sir." sagot ko.
"Yung pagtitig mo kasi sa'kin habang nagdidiscuss ako, haluan mo ng pakikinig. Para nabubusog na mata mo, may natututunan ka pa." nakangisi niyang sabi sa'kin.
Nagtawanan ang mga kaklase ko habang nasa akin ang tingin.
'Pshh ulol mo, Art!'
"Get one-fourt sheet of paper for a quiz."
Kinabahan agad ako kasi potek ano isasagot ko eh hindi nga ako nakinig diba? Potek talaga! I heyt u arturo!
Identification ang quiz namin at piste blangkong-blangko ang papel ko. Napalingon ako sa katabi ko nang mapansin kong may pinagpapasahan silang kapirasong papel. Potek may kodigo sila!
"Psst, Clark, baka pwede mong ishare sa'kin" mahina kong tawag sa kanya.
"Oh eto. Ingat ka gagi"
Ngiting-aso kong tinanggap yung kodigo. Sinulyapan ko si Sir Art at nakatutok s'ya sa laptop niya. Agad kong sinulat sa papel ko ang mga sagot. Pansin kong dumidilim habang nagsusulat ako.
"What is that, Ms. Mendez?"
Napatalon ako sa gulat. Potangina mga pre nasa harap ko na si Sir! Nakatingin s'ya sa papel na hawak ko. Yawa wala na akong kawala!
"A-Ah hehe k-kodigo Sir" nauutal kong sagot.
"You are cheating, Ms. Mendez? Diba sabi mo, liligawan mo ako? So paano kita sasagutin n'yan eh sa quiz pa lang nagchecheat ka na eh paano pa kaya pag tayo na? Edi magchecheat ka din sa'kin?"
Nanlaki ang mga mata ko. Lahat ng mga kaklase ko ay sa amin nakatingin.
"Eh babagsak kasi ako sa quiz, sir, pag hindi ko ginawa 'to." naiiyak ko nang sabi.
"Anong kinakatakot mo eh sasaluhin naman kita pag bumagsak ka"
Napatingin ako sa kanya at nakangiti na s'ya. Sabay-sabay na nagtilian ang mga kaklase ko.
Nagulat ako nang yakapin ako ni Sir Art.
"Don't cheat, baby. Mag-aral kang mabuti.Para sa future natin 'to."
At doon na tumigil ang mundo ko sa sobrang kilig.