May kaklase akong babae. Maganda, sexy, may katangkaran, pero walang nagkakagusto sa kanya, wanna know why? Eh tangina mas lalake pa sa lalake eh. I'm not saying na tomboy s'ya pero tigasin sya at sisiga-siga pa na sobrang kinaiinis ko sa kanya. Sa school ay hindi sya tinatawag sa pangalan niyang Ricci kun'di Barako, 'yon ang nakasanayan namin.—
Hindi ako maka-concentrate sa pagsusulat dahil may nakapatong na paa sa likod ng upuan ko at nakikiliti ang pwet ko. Nilingon ko si Ricci, yung tinutukoy kong babaeng barako. Yung isa niyang paa nakasablay sa desk niya habang ang isa ay nakapatong sa likod ng upuan ko.
'Tangina talaga ng babaeng 'to, akala niya yata nasa bahay s'ya eh'
"Hoy ibaba mo nga yang paa mo, hindi ako makapagsulat. Kababaeng tao, ang sagwa ng upo," singhal ko sa kanya tska ipinagpatuloy ang pagsusulat.
"Tss arte," bulong niya.
Tinanggal niya naman na ang paa niya sa likod ng upuan ko kaya di ko na s'ya pinansin.
—
Kahit nahihiya ako at mataas ang pride ko, wala akong pagpipilian kun'di ang magpatulong kay Barako.
"Hoy, barako, pwede mo bang i-explain sa'kin kung paano i-solve yung assignment natin sa Genmath?" nahihiya kong tanong.
Tangina no choice ako, kahit anong pilit kong intindihin yung solution, di ko talaga ma-gets kasi nga absent ako kahapon.
"Yan absent pa. Ma-upo ka dito," ani niya, may kayabangan ang tono ng pananalita.
Umupo ako sa upuang katabi niya at inumpisahang ipalawanag sa'kin ang lesson. Napatulala ako sa mukha niya habang nagdidiscuss s'ya.
Namamangha ako dahil gets na gets ko yung lesson, ang galing niya kasi magturo.
'Kung sana'y umaasta ka lang na babae, marami na ang nanligaw sa'yo...at kasama na ako don'
Agad kong ipinilig ang ulo ko para alisin ang nasa isip. Nababaliw ka na, Derrick.
"Salamat! Sa uulitin," pagpapasalamat ko nang matapos niyang ituro sa'kin ang lesson.
"Aray, tanginamo!" napahawak ako sa ulo ko nang batukan niya ako.
'Peste talagang babae 'to, ang bigat ng kamay!'
"Ulol, 'di na mauulit yon, ano ka sinuswerte?!"
Yan ganyan pananalita niya, mas sobra pa nga d'yan kadalasan.
—
Hindi pa ako nakakapasok sa pintuan ng room ay dinig ko na ang sigawan. Parang gulo yata sa room namin.
Nadatnan ko sa loob si Taurus at Barako, nagsisigawan. Ang tanging naiintindihan ko lang ay tungkol sa project.Nanahimik na lang ako sa upuan ko, wala naman akong paki sa kanila.
Umingay na naman ang classroom dahil sa sigawan ng mga kaklase ko.
Liningon ko ang nag-aaway at nakita ko kung paano sinapak ni Barako si Taurus.Agad na dumugo ang ilong ni Taurus na lalong nagpaingay sa klase. At ang mas ikinagulat ko ay walang alinlangang sinapak din ni Taurus si Barako sa pisngi.
Hindi ko na napigilan at lumapit ako sa kanila.
"Hoy, kupal, bakla ka ba at pumapatol ka sa babae?" sigaw ko kay Taurus, galit na galit sya habang pinupunasan ang dugo sa ilong.
"Mukha bang babae yan? ha?! Pinadugo nga ilong ko eh, tska ba't ka ba nakikisali? Jowa mo ba yang barakong 'yan?"
Hindi ako sumagot sa halip sinuntok ko s'ya nang malakas. Lalo yata s'yang nagalit—
"Ah!" tumilapon ako sa sahig sa lakas ng suntok niya.
Hindi ko alam pero natigil ang gulo, bigla na lang may lumapit sa'kin at nagsalita.
"Tss sasali-sali sa gulo eh lalamya-lamya naman pala. Tumayo kana d'yan," ani ng isang siga na boses.
Nagulat ako dahil hinilia nito ang kuwelyo ko sa may batok para patayuin ako."Anuba! Ano tingin mo sa'kin bata?" singhal ko at iwinaksi ang kamay niya na nasa kuwelyo ko.
"Ikaw na nga 'tong tinulungan, nagyayabang ka pa," galit kong usal at tinalikuran s'ya.
—
Kanina pa ako nakatayo dito pero wala talagang jeep na masakyan, punuan kasi ngayon kaya napagpasiyahan ko nalang na maglakad-lakad. Baka sakaling may dumaang jeep na may bakante.
"Derrick! Yuhooo!"
Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Mula sa jeep na paparating ay natanaw ko si Barako, nasa pinakalikod ng jeep nakasabit. Gulo-gulo ang buhok at kumakaway sa'kin.
Ngingiti na sana ako nang biglang pakyuhan ako nito.'Tangina, kahit kelan talaga parang 'di babae, tsk!'
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko, hinabol ko ang jeep nang dumaan ito sa harap ko at sumabit din sa likod.
Tatawa-tawa kaming naghaharutan ni Barako habang nakasabit sa likod ng jeep, walang pake kahit pinapagalitan na kami ng driver.
'Ang saya!'
Simula n'on ay napapadalas na kaming magkasama ni Barako. Sabay kami umuwi, at minsan naman ay kumakain muna kami ng pares pagkatapos ng klase bago umuwi, syempre 'di nawawala bangayan namin hahaha.
-
"Ano ginagawa mo dito? Ang aga-aga," ani Barako, halatang bagong gising lang.
Napangiti agad ako. First time kong magpunta dito sa bahay nila para manligaw. Dala-dala ko ang rosas at basket na puno ng prutas hehehe ang korni ko.
"Bawal bang bisitahin ang nililigawan ko?" ngiting-ngiti kong sagot.
May sumulpot na matangkad na lalake sa likod ni Barako."Wow, may manliligaw. Pagtyagaan mo 'yang kapatid ko hahaha first time may manligaw d'yan, sasagutin ka din niyan." mapang-asar na sabi ng lalake.
"Ano ba, kuya, magluto ka na nga lang ng umagahan don," asik ni Barako. Sabi ko na nga ba't kuya niya 'yon.
"Hijo, mabuti naman at naisipan mong ligawan 'tong anak ko HAHAHA bawasan mo ang angas niyan at nang lumambot naman kahit konti, mas tigasin pa sa'kin eh,"
Napatawa na lang ako sa sinabi ng papa ni Barako, madaldal ang papa niya at palabiro, naging close ko agad. Ang mama niya naman ay tahimik pero mabait din.
"Pa," saway ni Barako sa papa niya at sinamaan ito ng tingin.
Nasa hapagkainan kami ngayon. Natuwa sila nang sabihin ko sa kanila kanina na nililigawan ko si Barako. Ayos daw yon para maging babae kahit papaano.
-
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" asik ni Ricci sa'kin.
Inayos ko yung tali ng dress niya habang tumatawa pa din.
"First time kasi kitang makitang magdress hahaha bagay sa'yo kaso lang ayusin mo yung lakad mo hahaha,"
Naiinis niyang kinurot ang dibdib ko. A-attend kami sa debut ng pinsan ko ngayon at required sa babae ang naka-dress, sa una ay ayaw niya pero napilitan din sa huli at baka mambabae daw ako doon lalo't may inumang magaganap. Magcecelebrate din kami ng 5th anniversarry pagkatapos ng debut.
"Dahil sa'yo napilitan akong magdress, kung hindi lang kita mahal, hindi ko isusuot ang nakakainis na dress na'to!"
Natawa na naman ako. Niyakap ko s'ya sa bewang.
"Mas mahal kita, baby" bulong ko at hinalikan s'ya sa labi.
Oo, sinagot ako ni Barako after 1 and a half year na panliligaw ko sa kanya. Tangina, kung alam niyo lang mga pinagdaanan kong hirap para lang sagutin niya ako, hayys pero worth it naman!
Akalain niyo 'yon, sa babaeng kinaiisan ko lang ako babagsak?