UNANG BANAT NI CRUSH

5 0 0
                                    

Nababagot akong tiningnan ang crush ko na katabi ko. Oo, seatmate ko s'ya pero kahit kailan hindi sya nag–first move para mag-usap kami! Laging ako ang naghahanap ng paraan para lang makausap ko s'ya tapos sobrang tipid pa sumagot! Minsan nga sinasadya kong magpahalata sa kanya na kinokopyahan ko s'ya para sitahin niya ako pero wala, dedma pa din.Taena lang  diba?!!

Tutok na tutok s'ya sa panonood ng anime at nakasalubong pa ang makakapal niyang kilay.

Napabuntong hininga na lang ako at nilabas ang diary ko para magsulat. Binuklat ko ito at nagsimula akong magsulat. Ngayon ko lang talaga dinala to sa school sa buong buhay ko, swear.

"Ano 'yan?"

'Tangina! S'ya ba talaga 'yon?!'

Nilingon ko si Sage at nakatingin s'ya ngayon sa'kin na may pagtataka sa mukha.

"A-Ang alin?"

"Bakit may nakadikit na chopstick d'yan sa notebook mo?"

'Wow interesado sa'kin 'tong crush ko hwehwehwe. O baka naman tsismoso lang talaga s'ya?'

"Ah ito ba?" turo ko sa chopsticks na nakadikit sa diary ko, "First time ko kasing makakain kahapon sa restaurant na sosyal. Yung kami pa magluluto mismo sa table namin at magtitimpla ng sarili naming pagkain hehehe kasi nga Jollibee, mcdo, mang inasal at KFC pa lang yung nakakainan ko kaya inuwi ko yung chopstick para may souvenir ako."

Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero tangina ngumiti talaga s'ya, dai!!!

"Kapag ako naging boyfriend mo, dadalhin kita sa iba't ibang restaurant—"

"Weh talaga?!" pagpuputol ko sa kanya dahil sa sobrang tuwa ko.

"Oo tas pabilisan na lang tayong tumakbo palabas ng restaurant kasi nga wala tayong pambayad" natatawa niyang sabi.

Pisteng banat yan! Nagulat ako don pero tangina kinikilig pa din ako kahit tatakasan namin yung bill namin sa restaurant HAHAHAHA bakit ba.

Ngiting-ngiti akong tumango at sumagot.

"Sige, crush, ngayon pa lang magpapractice na akong tumakbo nang mabilis."

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon