NUMBER

5 0 0
                                    

Nagfefacebook ako habang naglalakad pabalik sa bahay. Inutusan kasi ako ni mama na paload sya tas biglang may lalake akong nakasalubong. Sa tingin ko ay construction worker sya base sa suot niya at mga nasa 30+ yata ang edad.

"Hi, Ganda. Pwidi ko ba mahinge ang numbir mo?"

Huminto ako at hinarap si manong. Medyo natatawa pa ako kasi bisaya accent siya hahaha. Nakaabot sa'kin ang kamay niya na may hawak na keypad na cellphone.

"Ay manong, wala po akong simcard eh." pagdadahilan ko.

"Sigi na, ganda" pagpupumilit niya.

"Manong, wala nga po akong simcard. Tsaka ang tanda tanda niyo na, ako pa napili niyong maging ka-textmate? Humanap na lang ho kayo ng kasing-edad niyo." paliwanag ko at akmang aalis na nang magsalita siya ulit.

"Hindi naman ako ang nanghihingi eh, ayon oh," turo niya sa lalakeng nakahoodie jacket na nakatayo 'di kalayuan samin.

Lumingon sa amin si kuyang naka-hoodie tas iniwas niya din agad yung tingin niya. Nahihiya yata.

'Shocks ang gwapo sis! Ang tangkad grrRrr! Ba't kasi hindi na lang sya ang lumapit sa'kin eh ibibigay ko naman agad ang number ko? Aish!'

Hinampas ko si manong at tumawa.

"Kayo naman, manong, 'di niyo sinabi agad HAHAHA joke lang yon na wala akong simcard." natatawa kong sabi at kinuha ang keypad niya na cellphone.

Pagkatapos kong i-type ang number ko ay binalik ko na kay manong ang cellphone niya.

"Pakisabi sa kanya, manong, smart yan hihi text niya na lang ako." kinikilig kong sabi.

Ngumiti lang si manong at bago umalis ay may sinabi s'yang nakapagpatulala sa'kin.

"Salamat, ganda hehehe juk lang din na yung lalaking 'yon ang nanghihingi ng numbir mo. Hindi ko talaga kilala 'yon."

"H-Ha?" nauutal kong tanong at nilingon si kuyang naka-hoodie. May kasama na s'yang babae ngayon na mukhang girlfriend niya pa yata.

"See u agen, ganda! Tixtmet tixtmet na lang!" pahabol pa ni manong.

'TANG—! Naisahan ako don ah!'

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon