HE'S A RACER

0 0 0
                                    

Unang araw ng piyesta ngayon dito sa amin at ito ang pinaka-inaabangan ng lahat dito, ang drag race.

"Iris, dito ka sa tabi ko bilis!" tawag ni Karrie, pinsan ko. Nasa pinakaunahan talaga na nakapwesto.

Tumabi ako sa kanya.

"Bat pa ba kasi tayo manonood eh alam naman nating lahat na si Lance nanaman ang panalo." tukoy ko sa kababata naming si Lance.

"Well, tingnan natin kung mananalo pa sya sa makakatapat niya ngayon." nakangisi niyang sabi.

Itatanong ko pa sana kung anong ibig niyang sabihin pero hindi na natuloy sa malakas na putok senyales na nag-umpisa na ang drag race.

Inaasahan kong mangunguna agad si Lance pero nagkamali ako. Nangunguna ang lalakeng may kulay maroon na motor, kakaiba ang bilis nito at ngayon ko lang din nakita ang motor na 'yon dito.

"WAAAAH GO HIROOOO!"

Napatingin ako sa pinsan ko na todo tili.

"Hoy sinong Hiro 'yang sinisigaw-sigaw mo?"

"Mamaya ko na sasabihin oki? Manood muna tayo oh ang galing galing ng Hiro kooo!" nagniningning ang mga mata niya habang tinatanaw ang maroon na motor.

Natapos ang karera at todo tili pa din si Karrie dito sa tabi ko. Hindi nanalo si Lance,ang nagngangalang Hiro na tinitilian ng pinsan ko ang panalo. Papalapit na dito ang mga kalahok sa karera.

Hinanap agad ng mata ko si Lance pero iba ang nakita ko. Isang lalakeng nakahelmet na kasulukuyang bumababa sa kanyang maroon na motor. Napanganga ako sa tangkad nito nang makababa s'ya sa motor niya. Ewan ko pero nasasabik na ang mga mata ko na makita ang buong mukha niya sa likod ng helmet na iyon. Tila huminto ang oras nang hubarin nito ang  kaniyang helmet, mula sa mapupulang labi, matangos na ilong, hanggang sa singkit na mga mata't makakapal na kilay—

"WAAAAAAAH ANG GWAPO NG BEBE KOOO!"

Napabalik ako sa ulirat nang tumili nanaman si Karrie at maharot na tumakbo papunta doon sa lalake. Napairap pa ako nang i-angkla niya ang mga braso niya sa braso nito.

Nanlaki ang mata ko dahil papalapit sila dito. Nakatingin sa akin ang lalakeng kasama niya.

"Iris, s'ya yung sinsabi kong Hiro. Apo s'ya ni Angkol Tono at first time niyang magbakasyon dito galing sa Manila." nakangiting pakilala ni Karrie.

"Hmm Hi, I'm Hiro Kigami. I just want to say you're beautiful." nakangiting sabi nito na nagpapula ng pisngi ko.

Para akong matutunaw sa ngiti niyang napakagwapo.

Agad kong inabot ang kamay niya at kinamayan sya. Shit lang ha, lalake siya pero mas malambot pa kamay niya sa'kin.

"I'm Iris Mendez. Congrats! Ang galing mo. Sana mag-enjoy ka sa bakasyon mo dito sa Iloilo." tipid akong ngumiti kahit sasabog na ang ngiti ko.

"Thank you. Yeah, pretty sure that I'm gonna enjoy my vacation here. Pangalawang araw ko pa lang ngayon dito super enjoy na ako." ngumiti ito sa'kin nang makahulugan.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon