LAKAS NG TAMA

1 0 0
                                    

"Ano ready ka na ba love?"

"H-Ha? oo, love, r-ready na 'ko."

Natatawa pa ako sa nauutal mong pagsagot. Kinurot ko ang pisngi mo at ginawaran ka ng halik sa labi. Kahapon lang tayo kinasal at ngayon ay nandito tayo sa Greece para maghoneymoon. Muli tuloy naglalakbay ang isip ko sa mga araw na nakilala kita. Teka paano nga ba tayo nagkakilala?

Busy kami sa pag-uusap non sa canteen ni Kate, ang babaeng nililigawan ko nang bigla ka na lang nahagip ng paningin ko. Masasabi kong ang lakas ng dating mo, paano ang angas kasi ng porma mo. Itim na sando at baggy pants na cream. Nakalugay ang straight na straight na buhok at higit sa lahat ay maangas maglakad. Tangina tinamaan na agad ako sa'yo nang mga oras na 'yon. Kahit wala namang nagpapatugtog, may naririnig akong kanta sa tenga ko.

~S'ya'y magandang babae na lalake pumorma
Ang ganda ganda mo~

Huminto yata ang oras nang magtama ang paningin natin ta's papalapit ka nang papalapit sa puwesto ko. Pinagpapawisan na ako kasi akala ko ako talaga ang lalapitan mo pero mali pala ako, si Kate pala ang pakay mo. May inabot kang bulaklak kay Kate at basket na may lamang pagkain. Akala ko kaibigan ka lang ni Kate pero halos magunaw ang mundo ko nang ipakilala ka niya sa'kin.

"Ahh Kaleb, si Sam nga pala. Dati pa lang ay magkaklase na kami at manliligaw ko s'ya ngayon."

Shit lang! Akala ko boysih ka lang sa unang tingin pero lesbian ka pala sabi ni Kate. Natatawa akong isipin na mas maganda pa kay Kate ang karibal ko sa kanya sa panliligaw. Dumating na ang araw kanya-kanya tayong pakulo sa panliligaw kay Kate. Dinadalhan mo si Kate ng mga pagkain samantlang ako naman ay tinutulungan sya sa mga school works niya at hinahatid-sundo. Kung anong pasikat ko kay Kate tuwing may laban kaming mga varsity sa basketball ay sya ring pakitang gilas mo sa pamamagitan ng paghaharana kay Kate. Lalo yata akong nainlove sa'yo nang makita kitang tumugtog ng gitara at kumanta, titig na titig ako lagi sa'yo pag hinaharana mo si Kate. Hindi ko alam pero nawawala na ang nararamdaman ko kay Kate...dahil sa'yo. Feeling ko kaya ko lang tinutuloy ang panliligaw ko kay Kate ay para mas madaming oras na makikita't makakasama kita. One time, habang pareho nating hinihintay ang dismissal ni Kate ay tinanong kita.

"Bakit ka nagtomboy?" tangina di ko alam kung ba't ko natanong 'yon. Titig na titig lang ako sa'yo, hinihintay ang sagot mo.

"Dahil gusto ko." seryoso mong sagot at sinalubong ang titig ko.

At sa hindi ko inaasahan ay unti-unti mong nilalapit mukha mo sa'kin at sigurado akong pulang-pula na ang pisngi ko ngayon.

"May gusto ka sa'kin ano?" nakangisi mong tanong kaya bumalik ako sa ulirat.

"A-Anong may gusto?! Sira ang ulo mo! Ba't ko nililigawan si Kate kung may gusto ako sa'yo?!" matigas kong tanggi.

"Ang simple lang ng tanong ko pero ang haba ng sagot mo HAHAHAHA napaghahalataan ka, bro. Anyway, magaling akong manghuli kung may kakaibang nararamdaman ang isang tao. Kaya kung totoo man ang hinala ko ay itigil mo na, mahal ko si Kate at sisiguraduhin kong sa'kin s'ya mapupunta."

Natigilan ako sa mga sinabi mo. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko.

Naguluhan man ay pinagpatuloy ko ang panliligaw kay Kate, kahit na ikaw na ang tinitibok ng puso ko.

Hanggang sa dumating ang oras na pinasasalamatan kong nangyari...

Tinext ako ni Kate na magkita daw kami dahil may mahalaga s'yang sasabihin. Habang naghihintay ako kay Kate sa lugar na 'yon ay nakita kitang bumaba ng taxi. Pareho pala tayong tinext ni Kate. Ngingisi-ngisi ka pa sa'kin, nang-aasar na ako daw ang mabubusted at ikaw ang sasagutin ni Kate. Maging ako ay kinakabahan, tinitigan lang kita buong oras na hinihintay natin si Kate, baka kasi ito na ang huli. Baka nga ikaw ang sagutin ni Kate. Edi wala nang ligawan, hindi na din kita makikita't makakasama. Maya-maya'y dumating si Kate at may kasamang lalake HAHAHAH shit tawang-tawa ako sa nangyari. Pareho tayong binasted ni Kate at nagsorry s'ya kasi boyfriend niya na yung kasama niyang lalake noon. Hindi ako nasaktan sa ginawa ni Kate, alam mo kung saan ako nasaktan? Nung nakita kitang umiyak matapos umalis ni Kate, umuulan pa n'on. Sumakay na ako sa kotse ko tas ikaw naglakad sa gitna ng ulan, sinasadya kong tagalan paandarin yung kotse ko para tingnan kung anong gagawin mo. Nagulat ako nung umupo ka sa kalsada at sumigaw habang umiiyak kaya lumabas ako, binuhat ka pasakay sa kotse ko kahit bugbog sarado dibdib ko sa'yo at pinagsisigawan mo pa ako.

Hindi ka umiimik. Hindi ko din alam bahay mo kaya dinala kita sa paborito kong lugar, yung takbuhan ko pag may problema ako. Sa hindi inaasahan, habang tahimik tayong tinatanaw ang kagandahan ng syudad ay nagsalita ka.

"Tinatanong mo dati kung bakit ako nagtomboy diba? ikikwento ko sa'yo ngayon. Ang haba ng kinwento mo pero pinakinggan ko lahat at tumatak sa isip at puso ko. Apat na lalake na pala ang nanakit sa'yo. Una ang papa mo, at ang tatlo ay ang mga naging ex mo. Broken family ka at pang-apat kayo na pamilya ng mama mo. Nagkaroon ka ng stepfather kaya nagkaanak doon ang mama mo tapos iniwan din ng stepfather mo ang mama mo. At marami ka pang inilabas sa'kin na hinanakit sa buhay.

Ihahatid na sana kita pauwi noon pero nag-aya kang magbar kasi gusto mong makalimot kaya sinamahan din kita. Ang saya-saya natin nung araw na 'yon, lumabas yung pagiging babae mo nung nalasing ka tas ang kulit mo pala pag lasing. Bagsak na bagsak ka matapos nating mag-inom, hindi ka makausap nang maayos kaya no choice ako kundi sa bahay ka patulugin lalo't hating gabi na. Nameet mo ang parents ko at gustong-gusto ka ni mama. Naging malapit tayo simula nung araw na 'yon, sabay umuwi, magbreak time at minsan pa'y pumupunta ng bar at nanonood ng gig.

Paglipas ng ilang araw niligawan kita, gusto kasi kita syempre. Iniwasan mo pa nga ako kasi tomboy ka tas liligawan kita. But of course hindi ako sumuko. Dumaan muna ako sa butas ng karayom bago kita mapasagot. Pota pre ang hirap ligawan ng tomboy pero sobrang worth it pag napasagot mo na s'ya. Ang sarap niyang panoorin na unti-unting nagbabago, unti-unti syang lumalambot hanggang sa tuluyang bumalik sa pagiging babae, dahil sa'kin...

Pinakita't pinatunayan ko kay Sam na kahit nakilala ko s'ya bilang isang tomboy ay karapatdapat pa rin ayang itatrato na isang prinsesa. Pinatunayan ko na hindi lahat ng lalake ay sasaktan sya gaya ng ginawa ng papa niya pati ng mga exes niya. At ayon success. Sabay kaming nagtapos sa pag-aaral, nagtrabaho't nag-ipon, kalaunan ay nagpakasal.

So that's all. Maghohoneymoon na kami ng asawa ko.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon