SAGING

5 1 0
                                    


Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Tinapunan ko rin ng tingin ang suot kong damit at baka hindi maayos, mahirap na, ayokong magmukang gusgusin sa paningin ni Dwayne.

Sinulyapan ko ang wristwatch ko at nanlaki naman ang mga mata ko, 8:58 na dapak 9:00am ang umpisa ng Christmas Party namin! Dali-dali kong tinakbo ang daan papunta sa room.

"aray nyemas ang sakit!" daing ko sa sakit ng ulo ko. Kasalanan to nila korax eh, pinilit nila akong painumin ng the bar kahit di pa ako nakakainom ng kahit anumang alak sa tanang buhay ko tss.

***

Parang spy na sumilip muna ako sa bintana ng classroom. Nandoon na pala sila korax at nagtatawanan pa ang mga gago.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

'1 2 3!'

"ayy saging ka!" malakas na bulalas ko sa kadahilanang mukha agad ni Dwayne ang sumalubong sakin pagkabukas ko ng pintuan.

'Homaygas! Ang gwapo niya talaga!'

Nung umulan yata ng kagwapuhan, gising na gising siya.' Blanko niya lamang akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Get inside. Late kana." malamig niyang sabi.

Nakayuko naman akong pumasok sa loob ng classroom. Agad na tinungo ko ang pwesto nila korax at pinaghahampas sila ng shoulder bag ko.

"Mga punyemas kayo! Sabi niyo walang epekto ang the bar na yon? Ngayon parang binubuka ang ulo ko sa sakit!"

"Lah makahampas ka ah, baka gusto mong ano...hahaha diba Triste? Diba korax?" makahulugang tumingin ang dalawa kay Vanadium.

"hoy anong ibig sabihin ng tinginan niyong yan? Ha?"

"Mamaya malalaman mo rin hahahaha" Triste.

Sinamaan ko ng tingin silang tatlo.

***

"Ahh guys bago tayo magpalitan ng regalo, mayroon lamang akong ipapanood sa inyo, bagay na may kinalaman sa nangyayari dito sa loob ng classroom hahaha." Anunsyo ni korax habang hawak-hawak ang cellphone niya.

Naboboring ko lamang syang tinignan habang nagsasalita sa gitna. Gusto ko nang umuwi at matulog dahil hanggang ngayon medyo umiikot pa rin ang paningin ko dahil sa the bar na yon.

Nag-umpisang kalikutin ni korax ang flatscreen TV namin dito sa loob ng classroom. Nilibot ko mga mata ko at dumako ang tingin ko kay Dwayne, seryoso siyang nakatitig sa ginagawa ni korax. Ayoko pa palang umuwi hehehe magbabakasyon na at matagal-tagal ko ring hindi makikita ang napakagwapong mukha ni Dwayne bebeluvs.

'Lia! Diba crush mo si Dwayne?'

'Hindi ko siya crush, mahal ko siya okeh?'

'HAHAHAHA'

'So anong gusto mong sabihin sa kanya?'

'Lah enebe bet kelengen me genyen?'

'Dali na. Anong gusto mong sabihin sa kanya?'

'Shige na nga. Hi, Dwayne bebeluvs yiii. Hindi ka shaging pero gushto kitang keenen hehehe I love you, pakashal na tayo.'

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kila korax at sa mga kaklase ko matapos i-play ang video.

Lahat sila ay nagtatawanan habang nanunukso ang mga matang nakatingin sa'kin.

'Nagsisisi na talaga ako kung bakit pa ako umattend ng Christmas party!!!'
TANGINA! tinignan ko si Dwayne at nakatingin na siya sa'kin habang nakangisi.

Namumulang umiwas ako ng tingin at tinakpan ng dala kong paper bag ang mukha ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto na'kong nakayuko dito sa sulok mula nang ibigay ko ang regalo ko sa taong nabunot ko. Nahihiya pa rin ako sa kagagahan ko at di rin ako makapaniwala na nasabi ko yon at the same time. Bat pa kasi vinideohan! Kaasar!

"Hoy lia! Si Dwayne pala nakabunot sayo!" kinikilig na sabi ni Triste at niyugyog pa ang braso ko.

"Hala di nga? Ayoko na, gusto ko na talagang umuwi." Natataranta ako. Baka kung anong sabihin niya sa'kin na masasakit na salita.

"Lia"

Kaagad na nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang boses na yon.

'Ngi nasa harap ko sya! Mamamatay na ako!!!'

"Ah— hehehe D-Dwayne, ikaw pala nakabunot sa'kin." Naiilang akong tumingin sa kanya.

"Yes. Here's your gift. Hmm ang cute mo don sa video."

'Waah gusto ko nalang lumubog dito sa kinauupuan ko.'

Nahihiya kong inabot ang regalo mula sa kamay niya.

"Hehe T-Thank you."

"Ito pa."

May iniabot na naman siyang maliit na basket. Agad ko naman itong kinuha.

"Ngi, saging?"

"Paborito mo saging diba?" Nakangiti niyang tanong.

'Omg alam niya ang paborito ko.'

"Haha oo. S-Salamat ulit."

"Welcome. Btw, magsawa kana sa prutas na saging dahil ibang saging na ang kakainin mo kapag kasal na tayo." Kinindatan niya muna ako sabay talikod. Naiwan akong nakanganga.

"Liligawan na kita simula bukas, lia." Pahabol niya pa at lumabas na ng classroom.

Pinaghahampas ako nila vanadium habang walang tigil na naghihiyawan.
Patuloy pa ring nag-eecho sa tenga ko ang sinabi niyang hindi ko makakalimutan.

'Btw, magsawa kana sa prutas na saging dahil ibang saging na ang kakainin mo kapag kasal na tayo.'

'Btw, magsawa kana sa prutas na saging dahil ibang saging na ang kakainin mo kapag kasal na tayo.'

'Btw, magsawa kana sa prutas na saging dahil ibang saging na ang kakainin mo kapag kasal na tayo.'

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon