CRUSH BACK

1 0 0
                                    

Isa akong typical na nerd student na go with the flow. Kahit ginagawa akong katatawanan sa room ay okay lang, makita ko lang na masaya yung mga kaklase ko ay okay na ako. Ang pasimuno sa pangtitrip sa'kin sa room ay yung top 1 namin at student council's president at the same. Dati ko s'yang crush pero hindi na ngayon dahil sa pangtitrip niya sa'kin. Tago ng gamit ko dito, tago ng gamit ko doon, stolen pictures ko dito, stolen pictures ko doon. Isa yon sa mga nakakasawang routine ko sa school pero okay lang, sanay na din naman na ako. Until one day, hindi ko alam kung anong nangyari sa mundo pero bigla na lang silang bumait sa'kin at ang mas nakakagulat ay:

"Kacey, kaya kita laging pinagtitripan dahil may g-gusto ako sa'yo" pagtatapat ni Art sa'kin na ikinagulat ko. Lahat ng mga kaklase ko ay nagtitilian.

Nakakagulat diba? Yung dati kong crush ay kina-crush back na ako ngayon? Potek hindi ako makapaniwala. Sa mukha kong 'to?! Seryoso ba s'ya? Hindi ko naman sya ginayuma pero ba't ganun?

At simula nga noon ay wala ng nangtitrip sa'kin, paano ba naman eh nililigawan na ako ng mastermind nila. Ganito pala ang feeling ng nililigawan no? Parang lumilipad sa ulap tapos feel ko, ako na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Dumating na nga ang araw na sinagot ko si Art.

"Art? Sinasagot na kita. I love you!" masigla kong sabi at kiniss s'ya sa pisngi.

"A-Are you serious? Shit! Girlfriend na kitaaaa!" sigaw niya tapos binuhat ako at inikot-ikot sa ere.

"YUHOOO! I LOVE YOU, KACEY! I'M THE HAPPIEST MAN IN THE WORLD!"

Like wtf mga bhe, para kaming nasa palabas. Yung sobrang saya ng lalake kaya bubuhatin niya yung babae at ipagsisigawan sa mundo na s'ya yung pinakamasayamg lalake sa mundo? Ganyan s'ya ngayon.

Pero syempre kahit gaano kayo kasaya, may hahadlang at hahadlang pa din sa pagmamalan niyo. Pinakilala niya ako sa mga magulang niya, at 'yon na yata ang pinakamasakit na salitang natanggap ko sa buong buhay ko.

"Seriously, Art? S'ya ang ihaharap mo sa'ming girlfriend mo? Wala kang taste! Ang panget niya! Hindi ka ba nahihiya na ang gaganda ng lahi natin tapos magdadala ka ng ganyan kapanget na mukha dito sa pamamahay natin?" pang-iinsulto sa'kin ng mama ni Art.

"Ma, enough! Wala kayong karapatang sabihan ng ganyan si Kacey! Mahal ko s'ya at hindi ako tumitingin sa mukha ng isang tao! Kung panget si Kacey sa paningin niyo, mas wala nang papanget sa ugaling ipinakita niyo ngayon!" pagtatanggol sa'kin ni Art.

Grabe yung iyak ko. Sorry nang sorry sa'kin si Art. Thankful ako na ipinaglaban niya ako kahit mama niya pa 'yon. May hadlang man sa'min ni Art ay naging masaya pa din kami. Lahat ng panghuhusga ng mga tao ay hindi namin pinapansin, ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa.

Grumaduate kami nang sabay ni Art at wala nang mas isasaya pa doon. Ang mama niya? Botong boto na sa'kin ngayon. Gusto niya na ngang magkaroon ng apo sa amin ni Art eh.

Nagtrabaho kami, nagsikap at nag-ipon para sa kasal namin. Nakahanda na din ang sarili naming bahay, pamilya na lang ang kulang.

Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We mighta took the long way
We new we'd get there someday~

Naiiyak ako habang hinahatid ako ni papa palapit sa altar. Lalo akong naiyak nang makita ko ang napaka-gwapo kong groom na binubully lang ako dati. Namumula na ang mukha niya dahil umiiyak din s'ya. Hindi ko alam na dito din pala kami magtatapos. Ikakasal na kami ni Art ngayon. Hanga ako sa katatagan naming dalawa.

"Congrats! It's a beautiful baby girl!"

Ibinigay sa'kin ng doctor ang baby namin ni Art.

Tatawa-tawa kong kinausap ang anak namin habang nakatingin kay Art.

"Baby, look oh, yung daddy mo umiiyak. He's so gay diba? Hahaha!" pang-aasar ko kay Art.

Lumapit s'ya sa'kin at tinitigan ang baby namin.

"Baby, yung mommy mo, inaasar ako oh?" pagsusumbong niya sa baby namin kaya lalo akong natawa.

Hinalikan ako ni Art at napaiyak ako
.
.
.
Hindi dahil sa tuwa kundi dahil naalala kong role play nga lang pala 'to.

Nagpapalakpakan ang mga kaklase ko at naghiyawan ang iba.

"Good job, Kacey and Art! Ang galing niyo!" pumapalakpak na puri ni Ms. Reyes sa'min.

Agad naman na lumapit ang girlfriend ni Art sa kanya at pinaulanan s'ya ng papuri. Napangiti ako nang mapait.

'Asa ka namang ika-crushback ka niyan, kacey! Role play lang 'yon noh!'

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon