"Babe, anong gusto mong marriage proposal?"
"Marriage proposal? Yung yayanig yung mundo ko sa sobrang nakakagulat hahaha." Tatawa-tawa siyang sumagot habang nakatingin pa rin sa TV.
How I love this girl. She's my happiness. 6 years na kami ni grace, magse-7 years na rin. We really love each other kaya sure na akong siya na nga ang babaeng nararapat para sa akin.
"Hmm babe, may lakad ka ba bukas?" tanong ko.
"Yes babe, magbabakasyon dito yung kapatid ni mama, ako ang magsusundo sa kanya bukas sa terminal. Gusto mo sumama?"
"Ahm bawal ako umabsent sa trabaho babe eh, pero pupunta naman ako doon sa inyo bukas para na rin mameet ko ang tita mo."
"Ah sige babe."
Ngumisi ako sa naisip kong idea. Ang ganda ng timing ko bukas.
Bukas ang araw na magpopropose ako kay grace since nakahanda na ang lahat even the ring. Kailangan ko na lang maghanda sa pakulo ko.
[Phone call]
👨: babe, nasan na kayo?
👩: Nasa jeep na kami malapit na rin kaming bumaba, why?
👨: nothing, just asking.
👩:okay babe bye na, bababa na kami.Sinilid ko ang phone ko sa bulsa ko at luminga-linga sa paligid.
Hindi niya alam na nag-aabang ako dito sa bababaan nila. Natanaw ko na si grace sa isang jeep na dumaan, ang kaso ay dirediretso ito hanggang sa dulo malapit sa police station. Sinuot ko ang bonnet ko at agad akong tumakbo papunta doon.
Hinanda ko na ang pellet gun ko at walang anu-anong tinutok ito kay grace na kabababa pa lang ng jeep kasama ang tita niya."Walang kikilos ng masama. Holdap to." Matapang kong saad.
Pumalahaw ng sigaw ang tita ni grace sa takot. Nagtinginan naman ang mga tao sa gawi namin kaya dinukot ko na sa bulsa ko ang maliit na box kung saan nakapaloob ang singsing.
"Ibigay mo sa'kin ang pinakamatamis mong 'oo'!" Pasigaw na sambit ko.
Pinanlakihan naman ng mata si grace.
Luluhod na sana ako at sasabihin ang salitang 'will you marry me?' nang biglang may lumapit sa'kin at pinusasan ang kamay ko.
"Sumama ka sa'min." Tinig ng isang police.
"Wait. Let me explain, sir. Mali kayo ng iniisip."
Grace, it's me, Jack, your boyfriend." Kausap ko kay grace habang nagpupumiglas.
Nakatingin lang ito sa'kin na tila nangingilala. Ops! I forgot that I'm wearing a bonnet.
"Jack? Ikaw yan? Hahahahahaha!" Natatawang tanong ni grace.
"Yes, it's me. Tell them, para pakawalan na nila ako." Pakiusap ko.
"Sa presinto ka magpaliwanag." Usal lamang ng police at kinaladkad na ako.
Dinig na dinig ko ang tawa ni grace.
"Susunod ako, babe. I love you hahahaha!" Pahabol niya.
Napapikit naman ako sa inis.
Sira ang proposal ko.
Sh*t! Bat ba kase nawala sa isip ko na nasa harap pala kami ng police station?! Argh!