Mayabang kong pinasadahan ng tingin ang mga pasaherong nasa harap namin. Titig na titig sila sa gawi namin pero alam ko namang yung lalakeng katabi ko lang yung tinititigan nila.
'Psh! Basta talaga gwapo, makatitig sila wagas, eh tao din naman yan, mabaho din tae n'yan gaya natin tss!'
"Bayad po"
Mabilis kong inabot ang bente na bayad ng babaeng kasasakay lang.
"Bayad daw po" abot ko sa pamasahi para makarating sa drayber.
Inaasahan kong aabutin ito ng lalakeng katabi ko pero busy pa din s'ya kakalaro ng ML, gigil na gigil itong pumipindot sa cellphone niya.
"Bayad daw po oh, paabot" ulit ko.
'Tangina wala pa ding umaabot mga bingi yata tao dito. Potek pigilan niyo 'ko, masasapok ko 'tong katabi kong gwapo!'
Sa inis ko ay binatawan ko ang bente kaya nahulog ito sa hita ng lalakeng katabi ko. Napatigil s'ya sa paglalaro at tumingin sa'kin.
"Baby naman, matatalo ako nito eh" naka-pout niyang sabi.
"Matatalo mo mukha mo! Oo nga hinahatid sundo mo 'ko, hindi naman tayo halos makapag-usap dahil d'yan sa letcheng ML mo!"
"Baby, sorry na. Di na ako maglalaro ng ML, idedelete ko na 'to. Sorry na," suyo niya sa'kin.
Nagcross arms ako at tinaasan s'ya ng kilay.
"Ewan ko sa'yo, jowain mo yang Miya mo ah!" asar kong sagot.
"Baby, sorry na. Bili kita mamaya saging. I love you." hinawakan niya ang kamay ko at kiniss ako sa pisngi.
Napangiti naman ako.
"Hehehehe sabi mo yan ah? I love you too." Ngiting-ngiti kong saad.
"Mawalang galang na ah? Paki-abot na po ng pamasahi ko sa drayber, bababa na lang ako lahat-lahat, hindi pa din nakakarating bayad ko sa drayber. Puro kasi landi!" reklamo ng babaeng nag-abot ng pamasahi sa'kin kanina.
'Ayy nawala na sa isip ko hehehe'