BURAOT

5 0 0
                                    


May tatlo akong kaklase na solid buraot. Pag kakabukas ko pa lang ng baon kong kanin ay nand'yan na agad sila nakaabang, natawa nga ako kasi araw-araw may dala silang kutsara tas pag breaktime iikot sila sa room para mamburaot ng iba't ibang pagkain.

Hindi lang sa pagkain, maging sa gamit gaya ng papel, ballpen, at pati gamit ko pang-calligraphy. At alam niyo ang masama doon? Pag ako ang may kailangan, hindi sila nagbibigay o nagpapahiram kahit meron sila.
One day, inilabas ko ang baon ko sa bag and as expected nakaabang na agad sila dala ang kanya-kanya nilang kutsara.

"Wow! Ang sarap ng ulam, cornedbeef!"

"Lagi namang masarap ulam niya eh"

"Sipag magluto,"

Komento nilang tatlo habang panay ang subo ng pagkain galing sa baonan ko.

"Sa inyo na lang yan, Jasmin, wala akong gana, masama kasi pakiramdam ko," ani ko kahit di ko pa natitikman ang baon ko.

"Hala, di nga? Thank youuu, Cath, ang bait mo talaga," pagpapasalamat ng isa. Napa-irap ako nang palihim.
Nagcellphone na lang ako habang sila naman ay tuwang-tuwa na pinagsaluhan ang baon ko.

"Anong meron?" tanong ko sa kaklase ko nang makapasok ako sa room.
Puno ng bulong-bulongan at ang iba'y umiiyak pa.

"Cath, patay na si Jasmin, Riza at Christine! Nakakagulat at sabay pa silang namatay," takot na takot na sabi ng kaklase ko.

Naupo ako sa upuan ko at napangisi.

'Congrats, Cath! Mission Accomplished!'

Sa wakas ay wala nang buraot sa room.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon