Valentine's day ngayon at nandito kami ng bestfriend ko sa isang sikat na mall sa manila, nagdedate kami bakit ba HAHAHAHAHA.
"Hoy, Faith, halika dali!" natataranta niyang tawag sa'kin kaya naman lumapit din agad ako.
"Diba si Wade 'yon?" turo niya sa lalakeng nakatalikod habang kumakain sa loob ng restaurant.
Natigilan din ako nang mapagtantong si Wade nga ito at ang masama pa doon ay may kasama s'yang maganda at mistisang babae. Oo, isa lang ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya pero bakit feeling ko naloko ako dahil sabi niya sa'kin wala syang girlfriend? Sinungaling s'ya!
"Oo nga, Jessa, si Wade 'yon. Dito ka lang saglit."
Pipigilan niya pa sana ako pero dumire-diretso akong pumasok sa restaurant at nilapitan si Wade.
*PAK!* Sinampal ko ang gwapo niyang muka nang malakas hehehe sorry Wade.
"MANLOLOKO KA, WADE! SINO 'TONG BABAENG KASAMA MO?! KAYA PALA HINDI KA SUMIPOT SA DATE NATIN KASI MAY IBA KANG KADATE! PUMUTI NA LAHAT ANG UWAK HINDI KA PA DIN DUMADATING!" sigaw ko sa kanya at lahat ng tao sa restaurant ay nasa amin ang tingin.
Gulat na gulat si Wade na tiningnan ako.
"Wade, you didn't tell me na may girlfriend ka pala at may date pala kayo ngayon." komento ng kabit ni Wade na maganda.
"Sorry, ate Cindy, sisiputin ko naman s'ya pagkatapos natin dito eh." sagot ni Wade at tumingin sa'kin.
"Ah-ehh ate mo pala s'ya? A-Ay s-sorry." parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko.
"Yes, baby, ate ko s'ya so don't be mad at her. Ikaw lang mahal ko kaya hindi ako maghahanap ng kabit." nakangisi na sabi sa'kin ni Wade.
"A-Ahh a-no kasi" sasabihin ko na sanang naninira lang ako ng date at hindi naman talaga ako girlfriend ni Wade pero pinutol niya ako.
"Ate Cindy, let me introduce yoy my girlfriend, Faith. Sorry kung ngayon ko lang s'ya pinakilala."
"H-Hi po" nakangiwi kong bati sa ate ni Wade.
'Hoy potanginamo Wade palabas lang 'to, hindi ko alam na sasakyan mo!'
So ayon dahil doon 3 years in a relationship and still counting na kami ni Wade. Dahil sa kagagahan kong 'yon ay naging jowa ko ang crush ko kaya try niyo din.