BIRTHDAY WISH

3 0 0
                                    

BIRTHDAY WISH

"Bes! Malapit na birthday mo ah? Any wish?" bungad ko sa bestfriend ko.

Lumungkot naman ang mukha niya. 3 years na kaming magbestfriend ni Richelle at lahat ng wish niya every birthday niya ay binibigay ko gaya na lang ng canon camera na kahilingan niya nung nagdaang kaarawan niya.

"Wala na akong hihilingin ngayon kundi ang buong pamilya, bes." ngumiti s'ya, yung pilit na ngiti. Naalala kong broken family pala sila. Ang mama at papa niya ay may kanya-kanya ng bagong pamilya.

"Kailan nga kayo huling nabuo, bes?" tanong ko.

"5 years ago pa, bes, nung mamatay ang kapatid ko. Minsan nga napapaisip na lang ako na kailangan bang may mamatay muna para lang makita kong buo ang pamilya namin?" mapait niyang tugon.

Nakaramdam ako ng lungkot kasi dati-rati, materyal na bagay lang ang hiling niya kapag birthday niya kaya naibibigay ko agad.

"Hayaan mo bes, mabubuo din kayo!" pagpapasaya ko sa kanya.

Ngayon na ang birthday ng bestfriend ko at papunta na ako sa bahay nila. Malayo pa lang natanaw ko na, na mukhang madaming bisita sa bahay nila kaya napangiti ako sa isiping kumpleto ang pamilya nila ngayon.

Dire-diretso akong pumasok sa gate nila.

"Happy birthday, bes! Your wish is granted, aren't you going to thank me?" nakangiti kong tiningnan ang kaibigan kong nakahiga ngayon sa kabaong. Yes, I killed her. Yon lang ang paraan para matupad ko ang hiling niya.

Nilisan ko ang bahay nila habang abala ang mga bisita at magulang niya sa pagluluksa.

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon