"Class, settle down." mahinahong suway ng adviser namin, mukang may importanteng sasabihin.
Saglit na natahimik ang klase ngunit muling umingay nang pumasok ang lalakeng naka-civillan.
Tall, thick brows, red lips and proud nose. I can deny that he's handsome.
"I'm going to introduce your late comer classmate from US. Na-delay ang flight nila kaya ngayon lang s'ya pumasok. Don't worry, full-blooded Filipino siya at marunong magtagalog. Ngayon lang s'ya mag-aaral dito sa Pilipinas, so be nice to him." nakangiting tinanguan ni ma'am si Sage.
Agad itong nagtungo sa gitna at nagpakilala,
"I'm Sage Aragon. Nice to meet you all, classmates!"
'Yon lang at tinungo niya na ang bakanteng upuan sa likod. Halos lahat kami ay nasa kanya ang tingin nang bigla itong ngumiti sa akin na ikinatili ng katabi ko sabay hampas sa balikat ko.
"Hoy, nginitian ka ni Fafi Sageeee! Bakla ka, sana ako na lang tsk," ani Rebecca.
"Ha? malay mo hindi ako 'yon, ayoko mag-assume yay," maang-maangan ko.
"OMGGG ISIPAN NIYO NA AGAD NG TANONG!"
Hiyawan ng mga kaklase ko nang matapat kay Sage ang bote. Naglalaro kami ng spin the bottle since wala yung teacher namin sa Genmath at kung kanino tumapat ang bottle ay sasagutin ang anumang tanong para sa kanya.
"Ako magtatanong!" sigaw ng president namin.
"Kung may liligawan kang babae sa aming mga kaklase mo, who would it be?" maharot na tanong ng president habang nakatingin kay Sage.
'Tss'
Sage just smirked and shifted his gaze to me. Bumilis tibok ni heart omggg!
"It would be Raeian."
Agad na umingay ang paligid at tinukso kami ni Sage ng mga kaklase namin.
"Yiiii ang harottt!" malakas na asar sa'kin ni Rebecca.
Hinawi ko naman ang buhok ko sa tenga at dumila habang diretsong nakatingin kay Sage. Natawa ito sa ginawa ko.
Ginaya ko kasi yung sa dalagang Pilipina h3hehe.
Inikot ulit ang bottle at sa'kin ito tumapat.
'What a coincidence! Tadhana talaga oh!'
Muling umingay ang silid nang isa-tono na ni Rebecca ang tanong niya sa akin. Sya magtatanong sa'kin since s'ya ang close ko dito.
"Payag ka bang maging boyfriend si Sage?"
"Uu naman basta ligawan niya muna ako," ani ko.
"Of course, why not? I would really love that." nanghahamong sagot niya habang diretso ang tingin sa'kin.
At nag-ingay na naman ulit ang mga kaklase namin sa sagot niya.
—
Kinikilig pa rin ako nang makarating ako sa bahay. Hiningi ni Sage yung number ko kanina nung uwian hehe aabangan ko na lang yung text niya.
'Mygad! Konting kembot nalang magkakajowa na'kooo!'
"Dad, sino yung kausap mo?" Tanong ko.
Naabutan ko kasi s'yang may kausap sa telepono.
"Ang tito Asaur mo, nak. Nakauwi na daw sila dito sa Pilipinas nitong nakaraang araw lang kasama ang asawa't anak niya. May reunion daw tayo bukas," aniya.
"Talaga, dad? Sinong tito ba 'yan?"
"S'ya yung naikekwento ko sa inyo na pinsan kong nagtatrabaho sa ibang bansa. Dito na daw sila maninirahan sa Pilipinas. Ihanda mo na ang susuotin mo bukas at maaga tayong aalis."
Bigla akong na-excite. Hindi pa kasi kami nagkakaroon ng reunion sa side ni Daddy kaya hindi ko masyado kilala at close ang mga tito at tita namin sa side nila.
Isa pa'y sabado bukas, dalawang araw kong hindi makikita si Sage kaya paniguradong maboboring ako dito.
'Waaaa! Excited na akong pumasok sa Mondaaaay!'
@Tagaytay
Tinatanaw ko mula sa malayo ang bahay na inakupa namin. Nang marating namin iyon ay nagulat ako nang makita kong nakaupo si Sage doon sa terrace.
Nagkatitigan kaming dalawa, parehas nanlalaki ang mata.
Tatanungin na sana namin ang isa't isa nang dumating sa harap namin si papa. Tinapik ang balikat ni Sage tsaka nagsalita.
"Oh, Sage, nandito na pala kayo. Raeian, si Sage, second cousin mo. Siya ang anak ni Tito Asaur mo. Ang gwapo-gwapo talaga ng pamangkin ko, mana sa'kin! "
"Ano?!"
"WTF?!"
Bulalas naming dalawa.