I have a girlfriend named Sierra. She's sweet, clingy, and caring. Wala naman kaming problema sa isa't isa, ang kaso ay napakalapit niya lagi sa kapahamakan. So as much as I can, sinasamahan ko s'ya sa lahat ng lakad niya para incase na may mangyari ay nandoon ako, handang protektahan s'ya. That's how I love her.
"Happy anniversarry, babeee!" sinalubong ako ni Sierra ng mahigpit na yakap at hinalikan sa labi. Napangiti ako.
"So sweet, babe. Happy anniversarry din!" masigla kong bati pabalik.
'How I love this girl'
Niliibot ko ang tingin sa bawat sulok ng bahay nila. Nandoon ang mommy at daddy niya, nakangiti, maraming balloons at may malaking picture pa namin na nakadikit sa wall. Sa isang sulok ay nahuli kong nakatingin sa'min nang masama ang kuya ni Sierra, si Marjon (nakatatandang pinsan niya). Hindi ko alam pero lagi ko s'yang nahuhuling kakaiba ang tingin kay Sierra or guni-guni ko lang 'yon?
—
"Babe, ayon pala si kuyang nagtitinda ng street foods oh! Kahapon pa ako nagke-crave sa kwek kwek eh!" turo niya sa kabilang kalsada at walang anu-anong lumabas ng kotse ko.Lumabas din ako para samahan s'ya pero laking gulat ko nang tumawid s'ya kahit naka-green pa ang traffic lights.
"SIERRA!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Halos liparin ko na ang distansya sa pagitan namin.
Bago pa s'ya mabundol ng kotse ay niyakap ko na s'ya nang napakahigpit.
.
.
."A-Austin? S-Sorry. Napahamak k-ka nanaman d-dahil sa'kin." umiiyak na mukha ni Sierra ang bumungad sa'kin pagmulat ng mga mata ko.
Nasa hospital pala ako.
'Thanks God, Sierra is safe.'
Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.
"Don't worry about me, I'm still alive hahaha I'm always okay, as long as you're safe."
"Tingnan mo, nagawa mo pang tumawa eh muntik ka nang mamatay!" sermon niya sa'kin at kinurot ang tagiliran ko.
—
Hating-gabi na at nasa byahe pa din kami pauwi galing Baguio.
"Austin?"
Napatingin agad ako sa kanya. She used to call me 'babe'. Ngayon niya lang ulit ako tinawag sa pangalan ko.
"Why, babe?"
"I love you"
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kung ano nang sasabihin niya.
"Aish! You scared the hell out of me, babe"
Natawa naman s'ya.
"Where's my I love you too?" nakanguso niyang tanong.
"I love you too." nakangiti kong sagot.
"Babe, hindi ako makatulog."
"Gusto mong magpatugtog ako?" tanong ko sa kanya.
"Nope, I want you to sing a song for me." nakangiti niyang sabi.
"Okay."
Nag-umpisa akong kumanta habang nagdadrive.
"So I'll sing a melody and hope to God she's listening sleeping softly while I sing and I'll be your memories your lullaby for all the time
Hoping that my voice could get it right~"Natapos na lang akong kumanta pero hindi pa din s'ya nakakatulog. Nanatili lang s'yang nakatitig sa'kin hanggang matapos akong kumanta.
"Your voice is my favorite music." she said and she kissed my lips.
—
Kasalukuyan akong nakapila sa counter. Hindi ko inaalis ang paningin ko kay Sierra. May lumapit sa kanyang dalawang lalake, mukhang may tinatanong. Sa una ay ipinagwalang bahala ko pero lumapit na ako nang makitang pilit s'yang hinihila ng isa.
"Magpapainit lang naman tayo saglit, miss, ang lamig kasi dito sa loob ng mall—" hindi na natapos ang sasabihin ng lalake dahil hinila ko agad ang kwelyo nito ay sinunggaban ng malakas na suntok. Natatakot na tumakbo palayo ang isa pa niyang kasama.
"How dare you touch my girl, bastard?!" Nanlilisik ang mga mata kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya.
"S-Sorry boss, h-hindi ko alam na m-may kasama s'ya." pangangatwiran niya. Nilingon ko si Sierra, nanginginig itong nakatingin sa amin habang umiiyak.
Agad ko s'yang nilapitan at niyakap.
"T-Thank you, babe. N-Niligtas mo n-nanaman a-ako." umiiyak niyang sabi.
Sinapo ko ang pisngi niya at hinalikan s'ya sa noo.
"Shh as long as I'm here, no one can hurt you. I will protect you no matter what happens."
—
"The hearing are now adjourned. The accused finds guilty."
"PINANGDIDIRIHAN KONG NAGMAHAL AKO NG ISANG MAMAMATAY TAO!" napabaling sa gilid ang mukha ko sa lakas ng sampal ni Sierra.
Lahat ng pambubugbog at masasakit na salitang sinabi sa'kin ng mga magulang niya ay walang wala sa katagang binitiwan niya sa'kin ngayon.
Wala akong nagawa kundi ang yumuko. Naglaglagan ang butil ng mga luha mula sa aking mata.
Ikukulong na ako sa salang pagpatay sa kuya niyang si Marjon. Little did they know that marjon is a drug addict and he attempted to rape Sierra when she was peacefully sleeping, that's why I killed him.
It's okay to be imprison, at least I protected the woman I love the most from danger like what I used to do.
Mas pipiliin kong madungisan ang sarili kong kamay kesa madumihan ang pagkatao ng babaeng mahal ko.
"I love you so much" bulong ko habang nakatingin sa kanya bago ako pinosasan ng mga pulis.
Halata namang nabasa niya ang buka ng bibig ko dahil bago ako tumalikod ay nakita kong bumalatay sa mga mata niya ang matinding sakit.