UNTITLED

1 0 0
                                    

"Siguradong mapapadami kain mo, nak, paborito mo 'tong ulam natin ngayon." ani mama at nilapag sa harap ko ang ulam. Napatakip agad ako sa ilong ko at nagmamadaling nagtungo sa lababo.

Nang bumalik ako sa hapagkainan ay nakatingin na sa'kin ng masama si mama.

"Kahapon ka pa nagsusuka ah? Buntis ka ba?"

Kinakabahan kong iniwas ang tingin ko kay mama.

"Maica, sagutin mo ako! Buntis ka ba?"

"O-Opo, ma." nakayuko sagot.

"Walanghiya!"

Napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal ni mama. Nilingon ko si papa at nakakuyom ang kamay nitong nakatingin sa'kin.

"Babe, kakausapin ka daw mamaya nila mama." sabi ko kay Troy habang nasa loob kami ng kotse niya.

"Ganun ba? Bakit daw?"

"H-Hindi ko alam eh." pagmamaang-maangan ko kahit alam ko naman kung bakit.

"Okay, babe."


"Hi po, tita, good afternoon—" naputol ang pagbati ni Troy nang sampalin s'ya ni mama.

"Ma!" mabilis akong lumapit kay mama para pigilan s'yang makalapit kay Troy.

"Isa ka pang walanghiya ka!"

"b-bakit po, tita? Ano pong problema?" naguguluhang tanong ni Troy.

"Anong problema? Binuntis mo lang naman ang anak namin!" napalingon kami nang sumagot si papa.

Lalo akong nataranta nang bumaba si papa mula sa hagdan at sinugod ng malalakas na suntok si Troy.

"Sinabi ko sa'yo na hintayin niyo munang makapagtapos kayo ng pag-aaral!" kinwelyuhan niya si Troy at binalya sa pader.

"Papa, tama na po please." umiiyak kong pagmamakaawa kay papa pero parang hindi niya ako narining at tuloy pa din s'ya sa pambubugbog kay Troy.

"Troy?" tawag ko sa kanya habang dinadampian ng yelo ang mga pasa niya.

"Hmm?"

Tumikhim muna ako bago mapagdesisyunang sabihin ang totoo.

"T-Troy, h-hindi ikaw ang ama ng i-ipinagbubuntis—" pinutol niya ang sasabihin ko.

"I know. Sinabi na sa'kin ni Kuya, kaya kami nag-away kahapon."

Muli akong napahagulgol. Lumuhod ako sa harap niya.

"T-Troy sorry! S-Sorry hindi k-ko sinasadya!"

Hinawakan niya ako sa kamay ko at pinatayo.

"Shhh alam mo namang kahit ilang beses mo akong lokohin, patatawarin pa din kita" nakangiti niyang sabi at hinalikan ako sa noo.

Wala akong masabi sa kabaitan ng boyfriend ko. Galit na galit ako sa sarili ko kung bakit ko nagagawa sa kanya 'to.

"S-Sorry, Troy."

"Okay lang, Maica. Kapatid ko si kuya Travis kaya kadugo ko 'yang pinagbubuntis mo. Papalakihin na'tin s'ya at magiging mabuti akong ama sa kanya. I love you, kahit ang sakit sakit na."

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon