•••
Naalimpungatan ako nang tumama saking mata ang liwanag. Agad akong napamulat at bumungad sakin ang napaka puting kisami. Nangunot ang nuo ko.
Nasaan ako? Bakit buhay pa ako? Hindi ba ay tumalon ako sa building? Bakit hindi parin ako namatay?
"Mabuti naman at gising kana" Natigilan ako sa pag iisip ng makarinig ako ng napaka-kalmang boses ng isang babae.
Her voice makes me calm too.
Nilingon ko ang babaeng nagsalita at nasilaw ako sa kagandahang taglay niya. Her chinita eyes is tantalizing. Ang amo ng muka niya. Mahaba din ang kaniyang pilikmata na nakakapag emphasize ng kaniyang maaamong mata. Her hazelnut eye color suites her. She has a rosy cheeks and a natural pinkish thin lips. Itim na itim at straight ang kanyang buhok and her skin is so flawless and fair. She looks like a Goddess.
Kung titignan ko ang kabuoan niya ay masasabi kong medyo mas matanda siya siguro ng ilang taon sakin
"U-uhmm, hey are you alright?" Tanong pa niya at pumilig pa ang kaniyang ulo. She looks cute.
Napakurap-kurap naman ako at nag iwas ng tingin
"Y-yes. Who are you?" Tanong ko.
"Oh. I'm Elissa. Theo's younger sister. Inutosan niya akong bantayan ka muna hanggang magising ka. Anyway nasa kabilang kwarto lang din sya." sagot niya sakin. Kumunot naman ang nuo ko.
"T-Theo? Sino si Theo?" Tanong ko. Napakamot naman si Elissa sa kaniyang ulo.
"Ah, hindi mo ba siya kilala? Wala ka bang naalala sa mga huling nangyare?" Tanong niya.
Napaisip naman ako.
Ano nga ba ang huling nangyare sakin? Ang alam ko lang naman ay tumalon ako sa building ng school namin at... At...
Shoot! Naalala ko na! Biglang may sumalo saking lalaki at nagpagulong gulong kami!
Agad kong nilingon si Elissa
"You mean, si Theo yong sumalo sakin mula sa pagkakatalon ko sa building?! How is he? Okay lang ba siya?" Tanong ko. Ngumiti naman sakin si Elissa.
"Yup. He's fine konting galos lang at pilay sa kaniyang braso ang natamo niya. Pero maayos na din naman sya at lalabas na siya bukas" Paliwanag niya sakin. Napasandal ako sa headboard ng hospital bed.
Kung hindi din kasi tatanga tanga yong lalaking yon bakit niya pa ako sinalo! Edi pati siya tuloy nadamay! Hays.
"Ilang oras na akong tulog?" Tanong ko.
"Buong gabi lang. Nawalan ka daw ng malay bigla pagkasalo sayo ni kuya kagabi" sagot ni Elissa. Napatango tango ako.
"Ano nga palang pangalan mo?" She ask. Nilingon ko siya. Her hazelnut eyes darted on me. Her face is so calm. She looks innocent too.
"M-Mizuki." sagot ko. Ngumiti siya.
"Full name? And I'll report to the doctor that you're already awake, so that they can check on you." wika niya.

BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.