• • •
Madilim.. Sobrang tahimik at malamig... Nagugutom na din ako at wala akong ideya kung ilang araw na ang nakakaraan, nasaan ako at kung ano ba talaga ang nangyayare.
Hindi ko alam kung bakit ako nakakulong sa isang sobrang dilim na silid na ito. Sa harap ay may mga luma at kinakalawang na rehas. Sinag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa silid na ito.
Ang huling natatandaan ko lang ay yong pagkikita namin ni Kuya Gian sa lumang bahay namin. I don't completely remember what he did to me kung bakit nakarating ako dito sa kulongang ito. Maybe he cast a spell to me or whatever magic so that he can take me wherever this place is.
Sinubukan kong tumayo at lumapit sa rehas. Sumilip ako sa paligid pero wala ako halos makita dahil sa sobrang dilim sa hallway. Nilingon ko din ang nag iisang bintana sa kwartong ito. Sobrang taas nun. Walang pag asang makatakas ako sa kulongang ito.
Wala ding ibang gamit dito. Nagugutom na ako. Sobrang lamig din.
Naalala ko nanaman yong mga huling sinabi sakin ni kuya Gian bago ako mawalan ng malay.
Is that true? Kasama din si Theo sa pag patay sakin? Pero bakit hindi nya ako pinatay? Tinutulongan nya pa nga ako at lagi nya akong pinoprotektahan sa mga nangyayaring masama sakin.
Hindi kaya nag traydor si Theo sakanila? Because...
Because he fall inlove with me?
If thats the case.. Nasaan na kaya sya ngayon? Nandito din kaya sya? Sana maayos lang siya.
Natigil ang pag mumuni-muni ko nang bigla akong makarinig ng mga yabag ng sapatos. Parang papunta sila sa direksyon ko, napansin ko din na parang may liwanag na sa gilid. Mabilis akong nag tungo sa pinaka-dulo ng kulongan at duon ko siniksik ang sarili ko.
"Alam mo, nakakatakot ang mag bantay sa babaeng yon." Rinig kong sabi ng isang lalaki. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang sila, hindi ko pa sila nakikita pero sigurado akong nasa malapit lang sila.
"Bakit ka naman natatakot sakaniya?" Tanong nong kasama nya.
"Hindi ba'y siya ang babae sa propesiya? Hindi mo ba naisip na baka sa isang iglap ay kaya nya tayong patayin na dalawa"
As if naman magagawa kong makapatay ng tao or kahit na anong nilalang na katulad nila. Hindi ko kakayaning pumatay! Bakit ang sama ng tingin nila sakin? Halimaw ba ako kaya ako nakakulong dito ngayon?
"Huwag kang mag alala. Nilagyan ng mahika ni Binibining Coreen ang kulongan, hindi siya makakagamit ng ano mang mahika hanggat nakakulong siya dyan"
Bakit naman ang lalim nila mag salita? Seriously nasaan ba kasi talaga ako? Nag time travel ba ako? Napunta ba ako sa panahon nila jose rizal?
Napag pasyahan ko nalang na maglakad palapit duon sa mga rehas at nakita ko na nga yong dalawang nag uusap. Nagulat pa sila nang makita ako. Na-weirdohan naman ako sa suot nila.
Bakit sila nakasuot ng pang sinaunang uniform ng pang kawal? Ewan ang hirap ipaliwanag pero para silang yong guards na pang sinauna, may dala silang torch kaya nagkaroon ng konting liwanag sa hallway. Did i really time traveled?
"Bakit ganyan ang suot nyo? Nasa panahon paba tayo ng hapon?" Tanong ko. Napaatras naman sila at yong tingin nila sakin ay parang nakakita sila ng Alien.
Napakamot nalang ako ng ulo ko.
"Uhm.. Pwede bang sagotin nyo ako? Nasaan ba tayo? At anong petsa na? Anong nangyayare? Bakit ako nandito?" Tanong ko. Tinignan nila ako ng parang nagugulohan sila sa mga pinag sasabi ko at parang nawe-weirdohan na sila sakin.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasíaMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.