Kabanata 7

50 5 0
                                    

• • •

"S-Saruhiko?

Gulat na wika. Naglakad sya palapit sakin at ngumiti ng malapad.

"You have a wonderful voice Mizuki. By the way, just call me Saru." Nakangiting wika niya sakin. Nahihiya akong umiwas ng tingin at mabilis na tumayo. 

"I-I dont think so.. S-saru." sagot ko

"I'm telling the truth. Gusto mo bang sumali sa Choir ng University?" Tanong nya. Nilingon ko sya at nakangiti parin sya sakin. Mabilis akong umiling.

"H-Hindi. Wala akong balak sumali" sagot ko. Napansin ko naman na medyo lumungkot ang muka niya.

"Bakit naman? Sayang naman ang ganda ng boses mo" Wika nya.

"I'm just not interested in those stuff" sagot ko. Tumango-tango lang naman sya.

"Ganon ba" Yon nalang ang naisagot nya.

"Uhh.. Sige alis na ako." Paalam ko. Nginitian ko lang sya at dali-dali na akong lumabas ng music room.

"Hoy! Saan kaba galing? Paglabas ko ng faculty office wala kana" Agad naman akong napalingon sa harap ko ng may nagsalita, at nakita ko si Rui na nakakunot ang nuo.

"Ah, pasensya na. Nautosan kasi ako na mag balik ng gamit sa music room" sagot ko kay Rui. Bumuntong hininga lang sya.

"Tara na nga sa canteen. Kain muna tayo, nagugutom na ako eh" Wika nya at kinaladkad na nya ako papunta ng canteen.











~~

"See you tomorrow, guys!" Wika samin ni Saru.

"See yah!" Sagot naman ng mga ka-teammates ko. Kakatapos lang namin mag training at pagod na pagod ako sa araw na ito.

"Mizuki" Tawag sakin ni Saru nang naglalakad na ako palabas ng Gym. Hindi ko kasama ngayon si Rui dahil in-charge sya sa pag buo ng mga dance steps para sa dance competition na sasalihan din namin. So probably, nasa dance studio pa iyon

"Saru" bati ko sakaniya.

"I have decided that I will assign you as the Captain ball in our women's basketball team" Mungkahi nya sakin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"W-what?! Bakit ako?" Gulat na tanong ko. Ngumiti sya sakin at nagkamot ng ulo.

"Because, I see the potential in you." Sagot nya.

"Pero b-baka matalo lang tayo" sagot ko. Umiling sya at ngumiti. Marahan nyang tinapik ang balikat ko.

"Don't think like that. Just believe in yourself. You're good" Wika nya. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti.

"Okay." Sagot ko.

"Good! We just need more little training." Mungkahi nya. Tumango-tango lang ako.

"Ehemm" bigla naman kaming napalingon sa likod ng biglang may eksaheradong tumikhim sa harapan namin.

"Oh, pre!" Bati ni Saru at ngumiti. Tinignan lang naman sya ng matalim ni Theo at bumaling na sakin.

"Let's go" Wika nya.

"Oh. I almost forgot that you two are dating. I'm sorry" Natatawang wika ni Saru at nag kamot pa ng batok. Bumaling ulit ang tingin ni Theo kay Saru.

"You better distance yourself with her" Malamig na sagot nito at tumango lang naman si Saru.

Bigla naman akong hinawakan ni Theo sa palapulsohan ko at hinila na ako paalis. Nang makarating kami sa parking lot ay pinasakay na nya ako agad sa kotse nya at tahimik syang nag drive. Mukang naka-activate nanaman ang kasungitan nya ah.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon