Kabanata 6

54 5 0
                                    

• • •

Friday morning... 

"Let's go?" Tanong nya habang nakadungaw sya sa akin.

Kakadating lang namin dito sa school at hindi pa ako nakakababa sa kotse ni Theo nang bigla syang lumabas at pinag buksan nya ako ng pinto ng kotse. Natulala pa ako sakanya dahil hindi ko naman talaga inaasahang may pagka-gentleman sya.

Bago pa nya ako sungitan ulit ay bumaba na ako ng kotse nya at inayos na ang sarili. Sabay na kaming nag lakad at habang naglalakad kami ay ramdam na ramdam ko ang bawat paninitig ng mga babaeng inggitera sa gilid-gilid.

Bitch! Mainggit kayo! Sakin na ang Prince Theo nyo! Joke. Wag masyadong feelengera Mizuki.. Always remember that you two are just pretending.

"Anong oras ang dismissal mo mamaya?" Tanong ni Theo. Nilingon ko sya at kalmado lang ang muka nya, di tulad nung dati na laging naka-poker face ang muka niya.

"3 pm pa" sagot ko.

"I'll fetch you. May pupuntahan tayo" Wika nya. 

"Saan naman?" I ask. He just looked at me. Parang pakiramdam ko ay biglang tumaas ang temperatura. The intensity of his eyes are too much that I can't look at him longer.

"Give me your bag, ako na magdadala" Mungkahi niya at halos hindi ako makagalaw at makasagot nang kinuha nya ang bag na dala ko at sya na nga ang nagdala.

Tangina! Nakakagulat naman ang lalaking to! Bakit naman parang ang bait niya sakin ngayon?! Ano kayang himala ang nailagay ko sa pagkain nya kanina at parang ang bait at ang gentleman nya ngayon?

Ay naku! di bale na nga! Magpapasalamat nalang ako at mabait sya ngayon at hindi nya ako sinusungitan.

Nang makarating kami sa room ay sumalubong agad samin si Rui.

"Eyy! Goodmorning Mizuki! Good morning Prince Theo" Wika nya habang natatawa. Napansin ko namang bumusangot nang muli ang mukha ni Theo.

"Fuck off Rui!" Inis na singhal ni Theo. 

Tumawa lang naman si Rui.

"See you later, Mizuki" Paalam sakin ni Theo. He just glance at me at tumalikod na. 

"Matagal na ba kayong mag jowa ni Theo?" Biglang tanong sakin ni Rui. Napatigil naman ako sa tanong nya at hindi agad nakapag salita. 

"H-huh? H-hindi naman." sagot ko.

"Kelan ba naging kayo?" He ask again. Napaisip naman ako. Teka, kelan ba naging kami? Eh hindi naman talaga kami mag jowa ni Theo! Ginagawa lang naman nya yon para hindi na ako i-bully ng mga students dito.

Which is isang malaking tulong sakin dahil magmula nung ipakilala ako ni Theo bilang girlfriend nya ay wala nang masyadong nambu-bully sakin. Hindi tulad nuon na pagtapak na pagtapak ko palang sa school na ito ay kalbaryo at impyerno ang susuongin ko.

Parang after ng gulong nangyare kahapon ay maski bulong-bulongan ng mga babaeng inggitera ay wala na din akong marinig, mga masasamang tingin nalang ang natatanggap ko. Sana ay mag tuloy-tuloy na ito para maging tahimik na ang buhay ko sa school na ito at makakapag aral na ako ng normal at maayos.

"Tara na" Sagot ko nalang kay Rui at nag tungo na sa upuan. Napansin ko naman na nag pout si Rui.

Kaya madami ding nagkakandarapa sa lalaking to kahit bago pa eh. Ang cute-cute nya kasi.

Nang matapos ang first subject namin ay nag announce ang president ng classroom namin na wala na kaming klase hanggang mamaya. Sports Fest na daw kasi next week at binibigyan daw ng time ang mga studyanteng pumili ng mga sports na gusto nilang samahan. Naka-paskil na din daw sa bulletin board ang bawat team namin.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon