Kabanata 10

47 7 0
                                    

• • •

"Axilla.."

What? who is that?

"Axilla.."

Sino ang tumatawag sakin? Her voice is so soft and very familiar.

"Axilla.. I'm sorry."

What? Bakit?

Wala akong makita! Sobrang dilim! Tanging ang boses lang na yon ang naririnig ko!

"I need to do this to protect you.."

Ano ang sinasabi nya? Sino sya? Nasaan ako?

"Please.. Forgive me.."

What is happening?!

"Axilla.."



"Mizuki!"

"Mizuki! Hey!"

"Mizuki!!!!"

Agad napamulat ang mata ko nang biglang may humampas ng unan sa muka ko. Mabilis akong napabangon at bumungad naman sa harap ko ang muka ni Theo. Nakakunot ang nuo nya pero kitang-kita sa mata nya ang pag aalala.

"Alas 7 na. Hindi kapa pala gising. Male-late na tayo" Masungit na wika nya.

Aba naman. Ang aga-aga nag susungit ang lolo mo.

"P-pasensya na.." Sagot ko. Dali-dali na akong nagtungo sa banyo at ginawa ang morning ritwal ko in only 10 minutes. Super duper mega ultra nag mamadali na kasi ako kaya kahit pagligo ko ay nagawa ko lamang in 5 minutes.

After nun dali-dali akong bumaba ngunit pag baba ko ay agad akong nakaamoy ng mabangong pagkain. Teka.. Si Theo ba ang nagluto ng break fast?! Oh gosh!

Nag mamadali akong nag tungo sa kusina at nadatnan ko nga si Theo na hinahain na niya yong luto nyang omelette egg at kanin.

"Hala! Pasensya na! Hindi ako nakapag luto ng breakfast!" Biglang wika ko. Napatingin naman sya sakin pero agad syang nag iwas ng tingin. Parang may gusto siyang sabihin sakin pero di niya masabi. Naka poker face nanaman ang muka nya.

Umupo na sya sa hapagkainan at nag serve ng sarili nya.

"Eat up if you don't wanna be late" Malamig na wika nya.

Here we go again. Balik na ulit siya sa original na ugali nya. Hindi nalang ako sumagot at sumabay na ako sa pagkain. Habang kumakain kami ay napapasulyap ako sakaniya. Poker face lang ang muka nya at parang walang kabuhay-buhay. Malayo sa histura nya nung birthday nya. Napabuntong hininga nalang ako.


















[ THEO'S ]

Yamot akong naglalakad dito sa may garden ng school. Hindi parin maalis sa alaala ko yong nakita ko kahapon sa dance studio. Tsk!

That fvcking four eyes! Come to think of it! He kissed her! Samantalang ako kahit halik sa pisngi wala pa akong natatanggap! Hindi sa nag seselos ako, it's just that alam naman ng four eyes na yon na may boyfriend si Mizuki but he's still flirting with her! Ang sarap basagin ng muka niya! Silang dalawa ni Rui!

Inis kong sinipa ang maliit na batong nasa paanan ko, at patuloy na naglakad ngunit agad akong napatigil nang may makita akong isang pigura ng babae sa di kalayuan, nakatalikod ito sakin. Dahan-dahan akong naglakad at nang isang dangkal nalang ang layo ko sakaniya ay dahan-dahan siyang lumingon na tila alam nyang nasa likod niya ako.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon