. . .
"S-Saruhiko!"
"Wag kang makealam dito, water boy." Inis na sagot sakaniya ni Aerwyna. Naglakad palapit si Saru at tumigil sa tabi ko. Seryoso lang ang tingin niya kay Aerwyna.
"Stop talking nonsense. Just tell us where is your king." Ngumisi si Aerwyna.
"As if I'll tell you." Saru looks Aerwyna sharply.
"You will tell us, or I'll kill you."
"Saru, what's happening?" Tanong ko. Nilingon naman ako ni Saru, his eyes turn soft when he looks at me.
"I'll explain to you, later. We need to defeat them first." Sagot niya sakin. Tumango nalang ako. Agad na umatake si Saru, nagpalabas siya ng tubig at mabilis na nagtungo sa direksyon ni Aerwyna. Tulad ng nangyare kanina, muling nagpalabas ng nagliliwanag na barrier si Celeste kaya hindi umabot sakanila ang atake ni Saru.
"Deal with celeste, ako na ang bahala kay Aerwyna." Wika sakin ni Saru. Mabilis akong tumango.
"Sige, ako na ang bahala." Sagot ko. I was about to attack celeste when Saru talk.
"And.. Don't hold back.. Kung kinakailangang patayin sya.. Wag kang magdalawang isip na kitilin siya.." Wika niya. After that umatake na ulit siya. Inatake ko na din si Celeste pero nakakagawa parin siya ng barrier.
Nagpalabas ako ng mga matutulis na yelo, at pinalipad kay Celeste ngunit nabasag lang ito nang tumama sa barrier na nakapalibot sakanila. Nakita kong sinusubukan ding sirain ni Saru ang barrier gamit ang kapangyarihan nya pero hindi nya masira.
Narinig ko ang pag tawa ni Aerwyna.
"Celeste is really useful. It's just sad that I steal her from you, guys." Wika ni Aerwyna. Napikon naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ko masisisi ang mga mahihinang nilalang na katulad mo para magnakaw pa ng malalakas na kakampi." Saru said with a mocking tone.
"How dare you!" Pikon na wika ni Aerwyna inatake nya si Saru. Agad namang nagpalabas ng water barrier si Saru at ang mga panang tatama dapat sakaniya ay hindi na nakarating pa.
"Paano mo napasailalim saiyong mahika si Celeste? Don't tell me sinugod nyo ang kaharian ng Ionia?!" Tanong ko.
"Yes, habang abala kayo sa pakikipag digma ay palihim naming sinugod ang kaharian ng Ionia." Sagot niya.
Tama nga ang hinala ng Reyna nuon. Malaki ang posibilidad na papasukin ng ibang taga Noxus ang aming kaharian habang abala kami sa pakikipag digma, kaya niya pinaiwan ang mga diwata at si Kerberos para bantayan ang kaharian.
But how did they break in? Sinigurado namin na mahigpit ang barrier nila ah. Sadya bang malalakas ang mga sumugod sa kaharian?
"You know, nahirapan talaga kami sa pagpasok ng kaharian nyo dahil sobrang higpit ng barrier. Pero dahil sadyang malakas kami ay natanggal namin ang barrier na ginawa ng inyong mga diwata. Napasailalim pa nga namin sila sa aming mahika." Wika pa niya at tumawa na parang nahihibang. Nakakainis ang tawa niya.
"Are you done with your story telling? Can we continue our fight?" Parang bored na bored na tanong ni Saru.
"You jerk!" Agad namang inatake ni Aerwyna si Saru ngunit mabilis itong nakaiwas.
Kung natanggal nila Aerwyna ang barrier na ginawa nila Celeste, kaya ko din tanggalin ito, lalo na't nag-iisa lang si Celeste. Hindi masyadong malakas ang barrier niya. Pero ang tanong, paano ko iyon gagawin?
Patuloy lang sa pagpapalitan ng atake sila Saru at Aerwyna habang si Celeste ay nakatayo lang sa gilid habang pinapanatili ang barrier kay Aerwyna. Nagpalabas ako ng iba't-ibang klase ng mga kapangyarihan, at pinalipad kay Celeste. Mukang hindi niya inaasahan yon kaya huli na nang ma-iwasan nya ang atake ko. Napatilapon sya sa sobrang lakas ng enerhiya ng aking atake.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.