Kabanata 4

68 7 1
                                    

• • •

Naging usap usapan sa buong campus ang di makapaniwalang pangyayare kanina na maging ako ay hindi matanggap ang kung anong nangyare.

Anong nakain ng lalaking yon? Bakit bigla bigla siyang naging ganon? Bakit niya ako pinag tanggol?

Bigla kong naalala ang mga sinasabi niya kanina.

'She's my girl, I'll protect my girl at all cost'

Shooot! Naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko! Kainis! Bakit ba ako kinikilig?! Bakit ano bang ibig sabihin niya sa mga salitang yon? I'm his girl? And he will protect me? Why? Bakit nya ginagawa to? Hindi ba ay isa lamang niya akong Personal maid? Arggg!!

Imbes na sumakit pa ang ulo ko kakaisip sa nangyare kanina, mag aaral nalang ako. Mamaya ko nalang siya tatanongin tungkol dito.

Nagsimula na akong magbuklat ng mga text book ko at nag umpisa na akong mag review. Nagpapasalamat din ako at ginawa ni Theo yong kanina. Dahil don ay hindi na ako ginugulo at binu-bully masyado ng mga kaklase ko. Naririnig ko ang bawat panlalait at nga bulong-bulongan nila about sakin pero atleast hindi na sila kasing wild nung dati na kulang nalang patayin nila ako sa loob ng classroom habang wala pang teacher.

"Goodmorning Class" Natigil ang pag i-imagine ko nang pumasok na ang teacher namin. Napansin ko naman na hindi siya nag iisa dahil may kasama siyang isang lalaki.

"Okay, Listen. You have a new classmate" wika ng teacher. Sari-saring bulongan nanaman ang namayani sa room habang ako ay bored lang na nakatingin sa harap.

Ngunit nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang lalaking magiging bago naming kaklase. Nakikilala ko siya dahil hindi naman ako madaling makalimot ng mga muka ng tao

Naalala ko na siya yong lalaking naka-bunggo sakin sa mall nung nag sa-shopping kami ni Elissa.

"Mr. Suvillan, you may introduce yourself" wika sakaniya ng teacher. Tumango siya at bumaling siya saming lahat. Ang seryoso ng muka niya.

"Hello. I'm Rui Axille Suvillan. I hope you'd be nice to me." Pakilala niya.

Narinig ko naman ang mga impit na tili ng mga kaklase ko. Pinag pa-pantasyahan nanaman nila yong bago naming kaklase.

Well, gwapo din naman siya. Bagay sakaniya ang kaniyang clean cut hair. Matangos ang kaniyang ilong at kapansin pansin pa ang kaniyang tila close to perfect jawline. Pero iisa ang tumatakbo sa isip ko..

Bakit medyo kahawig ko siya? Para siyang lalaking version ko. Hindi kaya?

Iniling-iling ko ang ulo ko. Hindi naman siguro. Naniniwala ako na sa buong mundo, meron ka talagang mga anim na kamuka.

"Okay, Mr. Suvillan. You may now take your seat beside Ms. Gomez since that's the only vacant chair" wika nung teacher at naalarma naman ako ng marinig kong magiging seatmate ko pa siya.

Iisa nalang din kasi talaga yong vacant chair sa room. Sa tabi ko lang talaga kasi walang gustong tumabi sakin.

Tumango lang si Rui at nagtungo na siya sa tabi ko. Naramdaman ko naman ang mga masasamang tingin sakin ng mga kaklase kong babae. Hindi ko nalang sila pinansin at nakinig nalang sa lecture ng teacher namin.

"Psst" nakarinig naman ako ng mahinang sitsit sa tabi ko kaya napakunot nuo ako at pasimpleng sumulyap sa tabi ko. Nakatingin na siya sakin

"Anong pangalan mo?" Tanong niya sakin ng pabulong. Hindi ko alam ang isasagot ko. Lumingon nalang ulit ako sa harap. Pero hindi din ako nakatiis.

"Mizuki" bulong ko pabalik ng hindi siya tinitignan. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango-tango siya at ngumiti.

"Mizuki..." Ulit niya sa pangalan ko. Weird.

Burnt By Your BlazeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon