• • •
"Mga taksil!!"
"Sunogin!"
"Patayin!!!"
Napamulat ako nang makarinig ako ng iba't-ibang klaseng ingay sa paligid at halos mabingi ako sa sigawan. Nasaan ako?
Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, sobrang daming... Tao? Na nakasuot ng mga pang digma. Para akong nasa gitna ng world war II nuon, mga kawal na nakasuot ng pang digma, may mga kanyon, may mga hawak din silang espada at mga pana. Pero mas lalo akong nag taka ng mapansin ko kung nasaan ako..
Nasa taas ako at para akong lumulutang.. Inangat ko ang mga kamay ko at laking gulat ko dahil nag liliwanag ito. Iba na din ang suot ko. Nakasuot ako ng puting tela, tapos may gold na belt. Parang kasuotan ng dyosa sa greek myth.
Muli kong tinignan ang paligid at laking gulat ko nang mapansin kong halos lahat ng mga kawal kanina ay nakahandusay na sa lupa at parang namatay na silang lahat. Nag angat ako ng tingin at may isang lalaking nakalutang din sa harap ko. Hindi ko maaninag ang muka niya. He's wearing a royal suit like a king.
"You traitor" wika nung lalaking nasa harap ko. Ano? Ako traitor? Eh hindi ko nga siya kilala eh!
"I am not. Hinahayaan ko lang na mangyare ang propesiya" Narinig ko naman na may sumagot sakaniya. Isang boses ng babae. Lumingon ako sa likod ko at may nakita akong isang babae na nakalutang din sa ere. Banayad na nililipad ang mahaba niyang buhok pati na din ang elegante at puting-puti nyang kasuotan. Pamilyar ang boses niya. Parang kilala ko siya pero diko makita ang muka niya.
"Hinding hindi mo ako matatalo. I am the King, you're just a Queen without a King"
Queen? King? Uso paba yon sa panahon ngayon? And that explains why they're wearing a royal dresses.
"I dont necessarily need a King, I can stand alone powerful and unbeatable. And i have my powerful pieces who can defeat you. We're not playing a chess game, where if I dont have a King I'm not able to fight, we're playing a real life game here." Ano daw? Diko na-gets! Bakit nasa gitna ako ng Hari't Reyna na parang nag lalaban? Tsaka bakit merong ganon? Nasa england ba ako? Or baka nasa nakaraan? Bakit ako napunta dito?
Bigla namang nagliwanag ang paligid kaya napatakip ako ng muka at napapikit dahil sa sobrang pagkasilaw.
~~
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya mabilis akong napatayo. Napatulala ako sa kawalan.
What the hell is that dream? Napaka-weird. Para akong napunta sa sinaunang panahon. At worst parang napadpad pa ata ako sa kalagitnaan ng world war II. Pero bakit may mga nakalutang na nilalang? May super powers sila? May super powers ba ang mga tao nuon? Ay ewan!!
Sa halip na mabaliw pa ako kakaisip ay nagtungo nalang ako sa banyo at ginawa ang morning rituals ko at naligo na dahil baka magsungit nanaman yong kasama ko sa bahay. Pagbaba ko ay gulat ako ng bigla akong taholan ni Chopper.
"Hey calm down. Ako lang to. What's the problem?" Parang timang akong kinakausap yong aso. Nang makalapit ako kay chopper ay kumalma naman na siya. Nagulat siguro siya sa biglang pagbaba ko.
Hinaplos ko lang ang makapal nyang balahibo.
"Good boy"
Nag tungo na ako sa kusina para mag luto ng agahan. Wala pa si Theo, siguro nasa taas pa yon at naliligo. Kailangan ko nang bilisan, baka sungitan nanaman ako nun.
'Im hungry'
Napatigil ako sa ginagawa ko ng parang nakarinig ako ng isang mahinang bulong. Nagpalinga ako sa buong kitchen baka nandito na si Theo at bumubulong pero wala akong makita na kahit sino.
BINABASA MO ANG
Burnt By Your Blaze
FantasyMy world is so dark and cold, slowly I'm losing hope. Until you came and gave me a dazzling light, heat that burnt me coming from your raging fire. You give me hope and save me from falling apart.